Nag-ala-superman lumipad mula sa gusali, patay

Sa paniwalang kaya niyang lumipad tulad ng superhero na si Superman, isang 28-anyos na binata na umano’y nasa impluwensiya ng bawal na gamot ang namatay makaraang tumalon mula sa ikalawang palapag ng isang gusali sa Sta. Ana, Maynila kamakalawa ng gabi.

Nabagok ang ulo ng biktimang si Diego dela Cruz, ng 1715 Road 3 Bagong Sikat, Punta, Sta. Ana.

Sa ulat ni SPO1 Ed Kho ng Western Police District homicide section, dakong alas-9 kamakalawa ng gabi ng umakyat ito sa second floor ng isang gusali sa 1720 Road 3 at animo’y si Superman na lumipad.

Samantala hindi na pinaawtopsiya ang biktima ng mga kapatid nito dahil alam na umano nila na kung anu-ano ang naiisip ng kanilang kapatid tuwing ito’y sabog sa droga. (Ulat ni Andi Garcia)

Show comments