Si Jung Keun Park, 49, na may alyas Chung Geun Park ay nadakip dakong alas-9:45 ng gabi sa bahay nito sa #3401 Lawaan st., United Parañaque II.
Nabatid kay PAOCTF chief Panfilo Lacson na si Park ay nahatulan sa kasong swindling sa kanilang bansa dahil sa hindi pagbabayad ng tax sa negosyo nitong pagbebenta ng mga sasakyan at matapos ito ay tumakas na at nagtungo sa Pilipinas.
Si Park ay gumamit ng visa ng isang misyonaryo pero naaresto ng Bureau of Immigration and Deportation (BID) noong Hunyo 1995 dahil overstaying at sa paggamit sa pangalan ni Lloyd Samartino, manugang ni dating Pangulong Ramos, bilang kapartner niya sa negosyo.
Matapos maaresto ay pinabalik ito sa kanilang bansa noong 1997 pero pagkaraan ng dalawang buwan ay tumakas at muling bumalik ng Pilipinas gamit ang pekeng pasaporte.
Muli itong naaresto noong Enero 1998 at dinala sa BID pero muli na namang tumakas habang dinadala sa Mandaluyong City.
Ang suspek ay nakakulong sa PAOCTF at dadalhin sa BID para muling ibalik sa kanilang bansa. (Ulat ni June Trinidad)