Trader tiklo sa drug bust

Isang 36-anyos na babaeng negosyante ang dinampot ng mga elemento ng Metro Manila Narcotics Office sa isinagawang entrapment operation kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Ang suspek ay si Omen Damiano, residente ng BF Homes, Batasan Hills, Quezon City.

Si Damiano ay naaresto ng mga awtoridad ganap na alas-3:30 ng madaling-araw at nakumpiska ang 50 gramo ng shabu sa kahabaan ng Batasan Road sa naturang lungsod.

Isang tauhan umano ni Supt. Pepito Dumantay ng MMO-QC ang nagpanggap na bibili ng shabu mula sa suspek at nang iniaabot na ang 50 gramo ng shabu kapalit ng P35,000 ay agad na ito ay inaresto.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 6425 o Drugs Law ang suspek sa Quezon City Prosecutor’s Office. (Ulat ni Angie dela Cruz)

Show comments