Kahapon ay nagsagawa ng rally ang mga residente ng Freedom Island, Bgy. La Huerta ng nabanggit na lungsod dahil sa iligal na demolisyon.
Sinabi ng mga residente na wala umanong court order na ipinakita ang mga demolition team ng PEA kung saan nakakontrata umano sa naturang operasyon ay ang tanggapan ng Gabay ng Gintong Layunin na nagkakahalaga ng P281 milyon.
Sinabi ng mga residente na binigyan sila ng karapatan ng pamahalaan na tumira sa nasabing lugar na nagsisilbing kanilang relokasyon.
Ayon pa sa mga ito, maraming taon na silang nakatira dito subalit bigla na lamang sumulpot ang PEA at basta-basta na lang umanong giniba ang kanilang mga tahanan.
Mariing kinondena ng mga residente si Parañaque City Mayor Joey Marquez dahil wala umanong maibigay na tulong ito sa kanila samantalang sa tuwing sasapit ang halalan ay pinakikinabangan sila nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)