Binigyan diin ni Mathay na bagsakan lamang ng mga basurang nakokolekta sa Quezon City ang Payatas dumpsite.
Diniin din ng alkalde na mali ang mga balitang ginagamit na rin ang Payatas ng mga karatig lugar tulad ng San Juan, Makati at Mandaluyong gaya ng napapaulat.
Ani Mathay, ekslusibo ang Payatas bilang transfer station ng mga taga Quezon City lamang.
Ang lahat anya ng mga naiipong basura sa dumpsite ay inilalagay sa malalaking trak ng basura at ito ay dinadala sa San Mateo Landfil. (Ulat ni Angie dela Cruz)