Ang mga dumalo lamang sa emergency meeting na pinangasiwaan ni DILG Undersecretary Narciso Santiago, Jr. ay sina Manila Mayor Lito Atienza, Malabon Mayor Amado Vicencio, QC Mayor Mel Mathay Jr. at Taguig Mayor Ricardo Papa, Jr.
Nagpadala lamang ng kanilang mga kinatawan ang ibang alkalde kaugnay sa biglaang pagpupulong na ito sa DILG at hindi umano sinadyang hindi dumalo sa meeting.
Ayon sa napagkasunduan na ipapatupad sa gaganaping 1-week na kilos-protesta ng mga militanteng grupo para pilitin si Pangulong Estrada na magbitiw sa kanyang puwesto ay ang pagpapatupad ng maximum tolerance, pagbuwag sa anumang barikada at obstructions na isasagawa ng mga ralista at pag-aresto sa mga lalabag sa batas at gagawa ng kaguluhan.
Sinabi pa ni Usec. Santiago, siniguro din ng mga alkalde na 24-oras na nasa kanilang tanggapan ang mga inquest prosecutors upang masiguro na maisasampa kaagad ang mga kaso sa mga lalabag sa batas. (Ulat ni Rudy Andal)