^

Metro

Kaso ni Ovilla tuluyang dinismis ng QC court

-
Tuluyan nang dinismis kahapon ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang kasong rape laban kay dating Central Police District (CPD) Station 9 Commander Francisco Ovilla na isinampa dito ng 19-anyos na dalaga sa Quezon City.

Sa tatlong pahinang desisyon, sinabi ni QCRTC judge Monina Zenarosa, pinawalang-saysay na lamang nito ang kasong panghahalay ni Ovilla kay May Ginez dulot na rin ng kawalan ng pagpupursigi ng complainant na ipagpatuloy ang kaso.

Una nang nadismis ng korte ang kasong acts of lasciviousness ni Ovilla na isinama din dito ni Ginez, dulot na rin ng motion for desistance na isinumite ng dalaga sa korte noong nakaraang taon.

Si Ginez ay nagsabi noon sa korte na pinilit lamang siya ng dalawang pulis-Quezon City na ituloy ang pagsasampa ng kaso kay Ovilla at wala na siyang intensyon na ipagpatuloy pa ito.

Sa court record, sinasabing naganap ang paghalay ni Ovilla kay Ginez nang ito ay mabilanggo sa kasong pagnanakaw sa Station 9 ng CPD at ang insidente ay naganap mismo sa loob ng tanggapan ni Ovilla noong August 16, 1999. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

CENTRAL POLICE DISTRICT

COMMANDER FRANCISCO OVILLA

GINEZ

MAY GINEZ

MONINA ZENAROSA

OVILLA

QUEZON CITY

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

SI GINEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with