Tower clock ng Manila City Hall gumagana na
November 21, 2000 | 12:00am
Hindi lamang tamang oras ang hatid ngayon ng makasaysayang tower clock ng Manila City Hall kundi taga-gising na rin ito para sa mga mamamayang hindi kayang gisingin ng kanilang alarm clock. Itoy matapos malagyan ng sariling batingaw ang nasabing orasan na inihalintulad sa Big Ben ng London.
Mula sa halagang P85,000 ay na-install ang matagal nang namamahingang chime o batingaw na ang kakayahang manggising ay aabot mula sa dalawa hanggang tatlong kilometrong radius sa paligid ng tower clock.
Ayon kay maintenance division chief Reynaldo Gatchalian, ang tunog ng orasan ay katulad na katulad ng pamosong Big Ben ng England at tuwing sasapit ang alas-6 ng umaga ay sabay na tutunog ang dalawang orasang ito.
Hindi lamang ang bagong batingaw ang bagong atraksiyon ngayon sa clock tower. Mayroon din itong compact disc recorder at public address system na mag-aanunsyo ng oras at maririnig lalo na ng mga ilang Manilenyo na hindi pa rin marunong tumingin ng oras. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended