Sa ginanap na rally ng mga bata at mga magulang sa Caloocan City, binigyang-diin ni Madrigal na ang mga kabataan ang pinakamahalagang kayamanan ng bansa, "ang kasalukuyan at kinabukasan."
Bilang Palace adviser para sa kapakanan ng mga bata, pangunahing prayoridad ni Madrigal ang tamang edukasyon at nutrisyon sa mga ito.
Kamakailan ay naglibot ito sa ibat ibang lugar sa bansa at namahagi ng mga childrens books at school books. Nagsagawa rin siya ng kampanya laban sa illegal drugs at drug abuse upang mailigtas ang mga kabataan mula sa talamak na ipinagbabawal na gamot at mapigilan ang pagkalat ng mga ito at masangkot sa gawaing kriminal.
Pinuri ni Madrigal ang mga lokal na opisyal ng Caloocan City dahil sa paglikha ng children-friendly programs sa larangan ng edukasyon at nutrisyon. (Ulat ni Rowena Del Prado)