Kinilala ni PO3 Erron Balauat, ng Criminal Investigation Division (CID), Taguig police ang biktimang si Roland Earl Calamayan, 11, nakatira sa Bgy. Western Bicutan na hindi na umabot ng buhay sa Taguig-Pateros District Hospital.
Lumalabas sa imbestigasyon ni PO3 Balauat, dakong alas-7 kamakalawa ng gabi ay papauwi na ang biktima mula sa kanyang eskuwela.
Dahil nais niyang agad na makarating ng bahay, nag-shortcut ito ng daan at sa pagmamadali ay nadulas kung saan tumusok ang tiyan nito sa nakausling bakal na pinagtatalian ng flagpole na nasa harapan ng Grasso Philippines Inc. na nasa Panorama Cmpd., Veterans Center, Western Bicutan.
Ilang concerned citizen ang nakakita sa sinapit ng biktima at agad itong isinugod sa nabanggit na ospital subalit idineklara itong dead-on-arrival.
Mabilis namang ipinagbigay-alam sa pulisya ang pangyayari kung saan masusing iniimbestigahan ang naturang kaso at malamang na magkaroon ng pananagutan ang nasabing kumpanya sa sinapit ng biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)