72-anyos na lolo nagtapos ng high school

Hindi hadlang ang edad sa nais matuto...

Bagamat lolo na, ipinakita ni Nicanor "Tatay Nic" Aranas na hindi hadlang ang edad upang matupad ang matagal na niyang pangarap na makatapos ng kanyang pag-aaral makaraang makapagtapos sa edad na 72 sa high school sa De La Salle Night School sa Greenhills sa Mandaluyong City. Para sa kanya walang matanda sa nais na matuto.

Ibabahagi ni Tatay Nic sa programang "Usapang Tao sa RMN" ni Sen. Teresa Aquino-Oreta ang kanyang naging karanasan at kung papaano sa kabila ng mga balakid ay nakapagtapos siya ng high school.

Kasama ni Oreta ang beteranong radio commentator na si John Susi, ang "Usapang Tao" ay maririnig mula 7 hanggang 8 ng umaga sa RMN New Manila at sa walo pa nitong provincial stations.

Show comments