‘ATM’ post sa socmed iwasan ngayong Kapaskuhan - PNP
MANILA, Philippines — Upang maiwasang maging biktima ng mga akyat bahay sakaling magbabakasyon ay pinayuhan ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na iwasan ang pagpo-post ng ‘ATM’ o at the moment sa social media ngayong Holiday Season.
Sinabi ni PNP Public Information Office chief PBGen. Jean Fajardo na kailangan na maging maingat ang publiko ngayong Kapaskuhan kung saan umaatake ang mga kawatan.
Ani Fajardo, marami ang magbabakasyon at ipagdiriwang ang Pasko kaya dapat na siguraduhin ng mga publiko na may sapat na ilaw at maging ng CCTV ang kanilang bahay.
Nabatid din kay Fajardo na nakikipag-ugnayan naman ang PNP sa mga barangay na magsasagawa ng pag-iikot sa kanilang nasasakupan.
- Latest