Carla, nawindang kina Bradd Pitt at Javier Bardem
Nadagdagan ang saya ng bakasyon sa Abu Dhabi ni Carla Abellana nang makapanood ng 2024 Abu Dhabi Grand Prix. Nakita nito ang favorite niyang Formula 1 driver na si Charles Leclerc. Sa video na pinost ng lead actress ng Widows’ War, siya yata ang sumisigaw ng “Leclerc.”
Marami ang nainggit sa kanya dahil nakita na nga si Leclerc, nakapanood pa ng Abu Dhabi Grand Pix.
Lalo pang natuwa ang aktres nang makita ang mga aktor na sina Brad Pitt at Javier Bardem.
“One of the most surreal and unforgettable experiences i’ve ever had in my life. And what a bonus to have watched BRAD PITT and JAVIER BARDEM filming for their Formula 1 movie! That deserves a separate post so stay tuned,” post ni Carla.
Hinihintay na ng followers niya ang separate post niya sa dalawang foreign actors, ang iba niyang followers, tila hindi interesado kina Brad Pitt at Javier Bardem na husband ni Penelope Cruz mas interesado sila sa ganda ni Carla.
Mikoy, may bitbit na Green Bones!
May proof si Mikoy Morales na totoo ang green bones at nagdala siya nito sa premiere ng inspirational-drama film na Green Bones. In fact, suot niya ang kwintas na sa locket, nakalagay ang green bones.
Sabi ni Mikoy, “This is Mama Gog- @isagarsha’s lola, and these are her actual green bones.”
Si Isa ang girlfriend niya.
“Took her to last night’s premiere dahil mahilig daw siya sa mga teleserye at artista. Medyo big deal kasi lola’s girl si Isa pero hindi ko na siya naabutan. But siguro, tuwang-tuwa yun kagabi. Baka naiyak din yun sa pelikula. Tapos baka kumain kami after kung hindi pa siya inaantok. Ewan, but I know we would’ve had good times, Mama Gog.
“A special moment for a special movie. Thank you for letting me bring her as my date, @isagarsha.”
Post palang ‘yun ni Mikoy, may mga naiyak na sa mga nakabasa, lalo na siguro kung nakita nila ang kwintas na suot ni Mikoy with green bones.
This Wednesday ang simula ng 2024 MMFF at sana, masabayan ang magandang review sa movie ng maganda ring box office gross. Sana, hindi lang puro puri sa movie, manood din ang netizens.
Jowa ni Nadine, always invited!
Kasama ni Nadine Lustre sa grand premiere ng Uninvited ang boyfriend na si Christophe Bariou, na ang description sa kanya ng Mentorque Productions ay “the dashing partner of Univited star Nadine Lustre.”
Dagdag, muli raw nilingon ng tao si Christophe nang makita sa premiere night at may solo pics pa siya. Ang description naman sa kanya ng fans “very supportive boyfriend” na totoo naman.
May nabasa kaming interview sa kanya na pinuri si Nadine pati ang Uninvited na showing na simula today, Dec. 25, in cinemas nationwide. Sa direction ni Dan Villegas at produced ng Mentorque at Project 8 Projects.
Malalaki ang mga artista na kasama sa main cast sa pangunguna nina Aga Muhlach at Vilma Santos.
- Latest