Agosto 14, 2026
LEO (Jul.23 - Aug.22) – Ang sikretong itinatago na hindi napapanahong malaman ng iba ay matutuklasan. Ihanda ang sarili dahil susubukin ang iyong katapatan. Ang inaasahang pera o bagay na matagal ng hinihintay ay makakarating. Lucky numbers at color of the day ang 4, 9, 11, 36 at garnet red.
VIRGO (Aug.23 - Sept.23) – Umaayon ang panahon para makatuklas ng magandang paraan sa ikauunlad ng sarili. Lucky numbers at color of the day ang 6, 13, 26, 37 at dirty white.
LIBRA (Sept.24 - Oct.23) – Iwasan ang magbigay ng pangako. Maganda ang panahon sa namamasukan. Maipapakita ang talino. Lucky numbers at color of the day ang 2, 12, 24, 32 at avocado green.
SCORPIO (Oct.24 - Nov.22) – Nasa panig ng kaunlaran ang kalagayang pinansyal.Kahinahunan sa pagpapasya ang dapat panatilihin. Lucky numbers at color of the day ang 4, 14, 24, 34 at at blue.
SAGITTARIUS (Nov.23 - Dec.21) – Mapalad sa itatayong negosyo kung sisimulan ngayon. Gumawa ng tahimik at pairalin ang patitiyaga. Lucky numbers at color of the day ang 5, 13, 22, 44 at silver gray.
CAPRICORN (Dec.22 - Jan.19) – Nasa signos ang aksidente, kaya iwasan ang paanyaya ng mga barkada. Hangga’t maaari manatili sa bahay. Lucky numbers at color of the day ang 10, 14, 23, 40 at cream.
AQUARIUS (Jan.20 - Feb.18) – Magiging masaya ang romansa. Mag-ingat sa pagpapahayag ng hinanakit para hindi mauwi sa ‘di pagkakaunawaan. Lucky numbers at color of the day ang 4, 8, 12, 16 at green.
PISCES (Feb.19 - Mar.20) – Taurus ang magbibigay ng kaligayahan o tulong. May pagkakataon na malutas ang suliranin tungkol sa pera. Lucky numbers at color of the day ang 2, 22, 32, 42 at indigo.
ARIES (Mar.21 - Apr.19) – Mabuti kung kikilos agad bago paniwalaan ang pamimika ng iba. Sundin ang tibok ng puso. Lucky numbers at color of the day ang 10, 22, 30, 34 at lavender.
TAURUS (Apr.20 - May 20) – Maraming gagawin, pero ang kalituhan ang magbibigay ng abala. May suporta ng pamilya. Lucky numbers at color of the day ang 8, 12, 36, 41 at aquamarine.
GEMINI (May 21 - Jun.21) – May pagkakataon na mapabuti ang kalagayang pinansyal. Manindigan sa sarili. Lucky numbers at color of the day ang 9, 36, 39, 42 at mustard yellow.
CANCER (Jun.22 - Jul.22) – Angkin mo ang lakas ng iyong ESP kaya ang kutob ay dapat sundin. Maging alerto sa tuwina. Lucky numbers at color of the day ang 4, 15, 29, 32 at honey yellow.
- Latest




















