Agosto 13, 2026
LEO (Jul.23 - Aug.22) – Naaayon sa panahon ang makipagkasundoo sa nakasamaan ng loob. Ang pagkakamali ay makatao at ang pagpapatawad ay maka-Diyos. Favorable ang paglalakbay sa malayo o malapit. Kung may nararamdaman, magpa-check-up. Lucky numbers at color of the day ay 8, 17, 20, 32 at orange.
VIRGO (Aug.23 - Sept.23) – Time is gold. Kaya kung ano ang binabalak, huwag ng hintayin ang bukas. Kumilos ka na nga-yon. Lucky numbers at color of the day ang 3, 5, 24, 30 at light blue.
LIBRA (Sept.24 - Oct.23) – Magandang balita dahil mapalad ka ngayon sa larangan ng pag-ibig. Angkin mo ang lakas ng iyong ESP. Lucky numbers at color of the day ang 6, 24, 28, 34 at green.
SCORPIO (Oct.24 - Nov.22) – Isang Capricorn ang magbibigay ng hinanakit pero kapwa Scorpio ang magbibigay ng kaligayahan. Lucky numbers at color of the day ang 3, 5, 33, 40 at yellow.
SAGITTARIUS (Nov.23 - Dec.21) – Magiging masaya at maaliwalas ang araw mo ngayon. Mapapawi ang suliranin sa trabaho. Lucky numbers at color of the day ang 18, 26, 34, 39 at peach.
CAPRICORN (Dec.22 - Jan.19) – Magiging matalas ang kaisipan sa anumang bagay at ito ang iyong matibay na sandata ngayon. Lucky numbers at color of the day ang 4, 8, 28, 30 at orange.
AQUARIUS (Jan.20 - Feb.18) – Maaaring may sagabal sa binabalak na pagtatapat ng saloobin, kaya ipagpaliban muna ito. Lucky numbers at color of the day ang 5, 10, 14, 22 at red rose.
PISCES (Feb.19 - Mar.20) – Mula sa mga karanasan, iwasan ang magkamaling muli at talikdan ang galamay ng tukso. Lucky numbers at color of the day ang 7, 25, 40, 42 at indigo.
ARIES (Mar.21 - Apr.19) – Isang Leo ang makakapagpainit ng ulo, kaya hangga’t maaari iwasan pansamantala. Lucky numbers at color of the day ang 3, 5, 22, 39 at white.
TAURUS (Apr.20 - May 20) – Sundin ang dikta ng isipan at hindi ng puso. Iwasan ang maging mapusok dahil mapapahamak. Lucky numbers at color of the day ang 6, 11, 13, 40 at silver gray.
GEMINI (May 21 - Jun.21) – Tiyakin na walang masasaktan sa mga salita o sa gawa dahil magiging masungit ka ngayon. Lucky numbers at color of the day ang 2, 6, 20, 36 at green.
CANCER (Jun.22 - Jul.22) – Mapaghinala ang kasintahan o mahal kaya mag-ingat kung may itinatagong hindi dapat malaman. Lucky numbers at color of the day ang 8, 13, 26, 33 at beige.
- Latest




















