^

Kutob

Hunyo 15, 2024

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Kung may magandang binabalak, kumilos nang makita ang positibong resulta. Ang mga bagay na dapat ayusin na nanga-ngailangan ng pera ay madaling matugunan kung ipagtatapat sa minamahal. Lucky numbers at color for the day ang 8, 22, 25, 37 at golden brown.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Ang matagal nang gustong malaman ay mapapasakamay ngayon. Ang sukatan ng true love ay kilos at gawa. Lucky numbers at color for the day ang 12, 29, 33, 38 at strawberry red.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Ang pagse-savings kung sisimulan ngayon ay lalago nang husto dahil signos ng Leo ang pag-iimbak ng pagkain. Lucky numbers at color for the day ang 2, 10, 27, 40 at navy blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – May mga taong sasalu-ngat sa iyo. Pero sa taglay na kagalingan, mangingibabaw ka pa rin sa kanilang lahat. Lucky numbers at color for the day ang 5, 13, 21, 30 at ruby red.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Magiging abala ka sa araw na ito, pero masaya sa resulta ng ginawa. Huwag kang mangako dahil makakalimutan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 16, 19 at pearl white.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Bad news dahil maaari kang masangkot sa intriga. Pero kung mahinahon sa pagpapaliwanag ng panig, makakalusot. Lucky numbers at color for the day ang 20, 33, 39, 40 at aqua blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Magandang balita dahil magiging masaya ang araw mo. Mapupuno ng romansa at harmony ang buong pamilya. Lucky numbers at color for the day ang 11, 15, 30, 43 at opal.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Maaaring hindi matuloy ang mga binabalak ngayong araw, dahil may importanteng bagay na dapat harapin. Lucky numbers at color for the day ang 9, 11, 21,29 at mustard yellow.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Isang kamag-anak o kaibigan ang maghahatid ng balita na maaari mong ikalungkot o ikaligaya. Lucky numbers at color for the day ang 9, 11, 18, 34 at tangerine.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Ang matagal nang ibig mangyari ay may katuparan ngayon. Ituloy ang mga binabalak at tiyak matatapos. Lucky numbers at color for the day ang 16, 22, 26, 41 at lilac.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Tumpak ang panahon sa pagpaplano ng negosyo. Gayundin ang araw sa pagpaplanong pakasal. Lucky numbers at color for the day ang 3, 17, 20, 42 at pink.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Ang hinihintay, huwag asahan dahil malabong darating. Magiging maganda pa rin ang araw mo sa kabila ng lahat. Lucky numbers at color for the day ang 13, 15, 27, 34 at mint green.

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with