^

Kutob

Pebrero 25, 2023

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Kung may karamdaman, iwasan ang basta na lang uminom ng gamot. Mahalaga na may tamang rekomendasyon galing sa doktor. Limitahan ang pagkain ng matatamis at mamantika. Lucky numbers at color for the day ang 7, 8, 39, 43 at ocean blue. 

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Huwag makontento sa pangangarap. Kumilos para magkatotoo ito. Ang inaakalang hadlang ay kapakinabangan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 13, 34, 41 at green. 

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Nakadepende sa gagawing hakbang ang kahihinatnan ng gawain. Sa negosyo magiging matumal ang kita. Lucky numbers at color for the day ang 4, 5, 34, 42 at brown. 

GEMINI : (May.21-Hun. 21) –  Mag-ingat at protektahan ang kapakanan sa lalapit na naghahangad na manamantala o abusuhin ang iyong kabaitan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 23, 28, 37 at blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Isang matagal ng problema ang mabibigyan ng katugunan. Magkakaroon ka ng ideya sa pag-aaplay ng trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 12, 29, 32, 38 at cream. 

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Gawing presentable palagi ang sarili, dahil ito ang malaking puhunan para magtagumpay at hindi mawalan ng kliyente. Lucky numbers at color for the day ang 2, 29, 33, 39 at orange. 

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Kung hindi ka mag-iingat, malamang masasangkot sa gulo. Mahalaga ang makisama ng mabuti at iwasan ang pagpuna sa iba. Lucky numbers at color for the day ang 5, 7, 36, 39 aquamarine. 

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Wala kang pagdududa sa sarili. Susubok ka ng bagong istratehiya. Dahil dito, kakaway ang tagumpay sa iyong landas. Lucky numbers at color for the day ang 6, 26, 31, 36 at fuchsia. 

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Magiging maikli ang pasensiya. Magpigil at ituon ang lakas sa mas mahalagang bagay o gawain. Lucky numbers at color for the day ang 3, 22, 35, 37 at red.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Kung may oportunidad na makapagpatayo ng negosyo, dapat simulan na. Dahil magiging maunlad ito. Lucky numbers at color for the day ang 2, 33, 17, 29 at white. 

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Kung tutuusin kayang kaya mo ang mga gawain na nakaatang, subalit sa labis na tiwala sa sarili magkakamali. Lucky numbers at color for the day ang 4, 5, 19, 24 at yellow. 

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Masaya ang gagawing pakikisalamuha, pero mag-ingat dahil may mawawalang gamit mo. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 14, 41 at violet. 

 

vuukle comment

MADAM ROSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with