Enero 2, 2025
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Makikilala ang taong may lihim na pagtingin. Hindi mo akalain na siya pala ang iyong lihim na mangingibig. Pag-isipan mabuti ang pagsali sa grupo upang hindi magsisi. Maging praktikal. Lucky numbers at color for the day ay 5, 19, 27, 35 at metallic silver.
AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Ipagpaliban ang binabalak na pagbabago ng kabahayan, opisina o trabaho. May balakid sa larangan ng pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 8, 28, 35, 39 at avocado green.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Sa kabila ng kabiguang naranasan, mapapaunlad ang karunungan. Huwag matakot makipagsapalaran. Lucky numbers at color for the day ang 12, 19, 22, 37 at dollar green.
ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Handang makiisa ang pamilya sa layunin o binabalak. Malamang magkaroon ng bagong manliligaw o pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 2, 22, 32, 42 at tan.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Puno ng enerhiya at maliksi ang katawan subalit mananaig ang pagkatamad. Ngayon mo harapin ang dapat ayusin. Lucky numbers at color for the day ang 7, 23, 34, 41 at oak brown.
GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Kung mag-apply ng trabaho, matatanggap. kung may nasimulan. Matatapos ito ng walang sagabal. Lucky numbers at color for the day ang 6, 8, 13, 39 at emerald green.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Diplomasya ang kailangan. Malamang magkaroon ng tensiyon sa pagitan ng kasamahan. Lucky numbers at color for the day ang 17, 27, 37, 41 at electric blue.
LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Tiyakin na hindi mawala ang tiwala ng nakakataas sa trabaho. Mag-ingat dahil may taong naiinggit. Lucky numbers at color for the day ang 5, 16, 22, 42 at orange.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Magiging daan ka sa pagbabati ng miyembro ng pamilya o kasamahan. May kaibigan na magdiriwang. Lucky numbers at color for the day ay 13, 19, 37, 45 at light blue.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – May susubok ng iyong pagtitimpi. Ngayon mo gamitin ang iyong hinahon. Huwag mainip. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 15, 30 at aquamarine.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Magkakaroon ng katunggali at masusubok ang kakayahan. Mag-ingat dahil may nagbabalak sirain ka. Lucky numbers at color for the day ay 3, 7, 12, 44 at white.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Magkakaroon ng pagtatalo tungkol sa pera. Huwag idaan sa galit o init ng ulo ang pagresulba sa problema. Lucky numbers at color for the day ang 8, 18, 28, 38 at orange.
- Latest