^

Kutob

Pebrero 26, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang magandang buhay ay nagpapaganda rin sa akin.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Isang Cancer ang magbibigay ng suwerte o ligaya. Hangga’t maaari iwasan pansamantala ang mga kilalang Leo dahil may hindi pagkakaunawaang magaganap. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 13, 31 at Red.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Kung ang kasama ay isang Pisces, magiging aktibo sa pagkilos, masayahin at maraming matututunan. Kung mag-isa ng buong araw, mara­ming magagawa. Lucky numbers at color for the day ang 5, 6, 18, 22 at Sky Blue.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Salubungin ng mata­mis na ngiti at pagbati ang umaga. Subalit may oras na matatakpan ito ng makapal at madilim na ulap. Malamang makapagsalita ka nang ikasasakit ng damdamin ng kapwa na dapat tandaan para hindi na maulit. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 19, 22 at Yellow.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – May maganda at kapangitang lilitaw tungkol sa iyong pribadong relasyon ngunit huwag mabahala at sa huli, ikaw ang magwawagi. Lucky numbers at color for the day ang 15, 16, 36, 37 at Light Gray.

CANCER (Hunyo 22- Hul­yo 22) – Mag-ingat sa pagkilos, pananalita at paggawa para maiwasan ang makasakit ng kapwa at magkamali. Lucky numbers at color for the day ang 11, 26, 28, 39 at Cream o White.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) –  Ang suwerte minsan lang kakatok sa pintuan at kung hindi papansinin, hindi na maibabalik kailan man. Maging handa kung anuman ang darating. Lucky numbers at color for the day ang 10, 12, 14, 41 at Sky Blue.

VIRGO (Agosto 23- Set­yembre 23) – Kung may nagkakasakit, huwag mag-atubili. Isugod kaagad sa pagamutan para hindi maging huli ang lahat. Lucky numbers at color for the day ang 5, 15, 25, 35 at Aqua Blue.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Araw ng pangako at magiging magaan ang lahat ng bagay. Ang nakalimutang pangako ay tiyak na maisasakatuparan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 3, 34, 40 at Yellow.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Malamang magkakaroon ka ng bagong pag-ibig o manliligaw. Kailangan mong maging matatag dahil may sitwasyong mabubuo na susubok ng iyong katatagan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 10, 23, 32 at Neon Green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Kung gumawa ng kabutihan, kabutihan ang tatamasahin subalit kung gumawa ng kasamaan, kasamaan ang daranasin. Lucky numbers at color for the day ang 13, 31, 39, 42 at Pink.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Kung may tipanan, huwag maging mainipin dahil ang kausap ay atrasadong darating. Lucky numbers at color for the day ang 4, 14, 24, 34 at Dollar Green.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Palampasin ang maririnig na salita na makakapikon o makaka-asar dahil inggit lamang ang mga ito. Huwag patulan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 39, 41 at White.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

KUNG

LUCKY

NUMBERS

SKY BLUE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with