Walang ipon dahil magastos
Dear Dr. Love,
Napapansin ko po na kulang ang aking naipong pera nitong mga nakaraang buwan. Ang dahilan ay madalas kong nagagastos sa kabibili ng mga bagay na hindi naman gaanong kailangan. Hindi ko po maintindihan minsan ang aking sarili, pwede naman mag-pass muna ako sa bili pero ang ending ay napapabili pa rin ako hanggang sa wala nang natitira para sa pag-iipon ko.
Ngayon ay nagwo-worry ako dahil sa totoo lang ay nagsisimula palang akong magsikap na matutunan ang disiplina ng pag-iipon. Dahil out of budget na naman ako, nag-iisip ako ng hakbang na magagawa ko para sa tamang paghawak ng pera.
Umaasa po akong mabibigyan ninyo ako ng payo para maisagawa ko ng epektibo ang pag-iwas sa maling paggastos.
Maraming salamat po.
Ana
Dear Ana,
Humahanga ako napakagandang hangirin mo para sa iyong sarili. Sa panahon ngayon na hindi madali ang kumita, napakahalaga na matutunan ng marami ang disiplina ng pag-iipon.
Para hindi ka ma-pressure, makakatulong kung isusulat mo ang iyong mga gastusin, kasama na roon ang mga pangangailangan mo sa araw-araw.
Sa ganitong paraan mas makikita mo ang mga dapat mong unahin at magkakaroon ka ng idea kung gaano mo ito dapat paglaan. Sa paglalaan ng halaga, magkakaroon ka rin ng malinaw na figure kung magkano ang matitiira sa budget mo. Mula rito ay mas magiging aware sa kapasidad mo para sa extra spendings, na siyang dapat mong pagsikapan na maidiretso sa iyong savings.
Pinakamahalaga, ang bawat plano mo at paghakbang ay ilapag mo sa Panginoon na siyang tutulong sa’yo hanggang sa makamit ang goal mo na makaipon.
Dr. Love
- Latest
















