^

Kutob

Pebrero 26, 2009

- Madam Rosa -

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) - Isang sorpresa ang naghihintay sa tahanan o pinapasukan. Magiging maligaya at makulay ang romansa. Ang pakikipag-date ay inaayunan ng panahon. Huwag pansinin ang biro o kantiyaw ng kaibigan o kasamahan upang maiwasan ang gulo o may makasamaan ng loob. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 10, 30 at strawberry red.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) - Magpahinga at kalamayin ang sarili kung makasagupa ng suliranin upang makapag-isip ng magandang solusyon. Maisasaayos ang suliranin tungkol sa salapi o pinansiyal. Makapagdudulot ng sagabal ang maliliit na bagay na hindi napagtutuunan ng pansin o hahanapan ng solusyon. Lucky numbers at color for the day ang 13, 18, 21, 28 at yellow.

TAURUS (Abr. 20-May. 20) - Ang magneto ng iyong kasama ay malakas ngayon. Maaaring mula sa koreo o makabagong teknolohiya ay makatanggap ng balita mula sa ibayong-dagat. Kung may naiisip gawin, huwag ipagpabukas at simulan kaagad upang maging positibo ang resulta. Ang kutob ay magkakatotoo. Lucky numbers at color for the day ang 12, 25, 37, 41 at honey yellow.

GEMINI (May. 21-Hun. 21) - Posible ang hindi inaasahang magandang pangyayari. Iwasan ang makasakit sa damdamin ng kapwa at tigilan ang walang kabuluhang pagbibiro. Maaaring katangi-tangi at pakinabangan ang tulong ng kaibigan. May dulot na maligayang karanasan ang pakikisalamuhang sosyal. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 35, 42 at purple.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) - Makatutulong ang opinyon ng ilang matatandang kasamahan sa tahanan o pinapasukan. Ang nakatataas ay madaling mabibigyan ng kasiyahan. Ang simula ng kaguluhan sa relasyon ay galing sa isang tsismosang kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 23, 30, 43 at ivory white.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) - Maganda ang panahon kung iiwasan ang makipagtalo o lumikha ng gulo. Sa paligid ay huwag makialam maliban sa sarili dahil madali ngayong masangkot sa gulo. May tawag na magbibigay sa iyo ng kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 5, 32, 39 at light blue.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) - Mag-ingat sa pagpili ng kaibigan. Ang pakikisalamuhang sosyal o pakikipag-ugnayan sa mga propesyonal ay makatutulong sa kasalukuyang trabaho. Ang matinding simbuyo ng kalooban ay maaaring magdulot ng kapahamakan kung walang self-control. Lucky numbers at color for the day ang 4, 9, 23, 43 at violet.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) - Hindi matatakpan ng karangyaan ang anumang pagkukulang sa aruga at kalinga sa loob ng tahanan lalo na sa mga anak. Mahalaga ang magkaunawaan at magkasundo ang mga tao sa loob ng tahanan. Madaling mabagabag ang kalooban. Walang magiging balakid sa gustong mangyari. Lucky numbers at color for the day ang 19, 27, 35, 42 at magenta.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) - Ipagpaliban ang binabalak gawin o paglalakbay. Hindi makukuha ang gusto ngayon. Huwag tanggapin ang anumang alok mula sa kaibigan o kasamahan. Malamang magkaroon ng kaunting tampuhan sa tahanan o kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 11, 22 at ocean blue.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) - Maaaring hindi maging maganda ang pagdalaw sa kaibigan, kapitbahay o kamag-anak. Ipagpaliban ang binabalak gawin o pamamasyal. Kung may suliranin sa pera, may paraan sa tulong ng iba dahil madali silang malapitan ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 36, 40 at squash yellow.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) - Magagamit ang katalinuhan ngayon upang mapagtagumpayan ang gawain o proyekto. Ang pagsasama ng magkaibigan ay malamang mauwi sa pag-iibigan. Maging maagap sa mga mangyayari sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ang 17, 22, 28, 37 at pearl white.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) - Bukas ang pagkakataon at panahon upang baguhin ang masasamang kaugalian. Sa pagkakamali magmumula ang pagtutuwid o ilagay sa tama ang nagawa. Makakasagupa ng taong may masamang ugali kung ituring ngunit huwag magtaka dahil salamin lamang ito ng sarili. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 10, 30 at tangerine.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

IPAGPALIBAN

KAIBIGAN

LUCKY

MAAARING

NUMBERS

OKT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with