Oktubre 27, 2026
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Ang kaguluhan sa paligid ay siyang magiging madilim na ulap sa gustong gawin. Ang marunong magpahalaga sa trabaho ay may magandang ibubunga. Igalang at irespeto ang opinyon at paniniwala ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 3, 13, 22, 29 at lemon green.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Dapat kumilos kaagad kung ano ang magandang iniisip. Magiging abala sa gawaing pang tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 22, 32, 41 at garnet red.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Mag-ingat sa pagkain na mahirap tunawin. Alagaan ang kalusugan para maiwasan ang magkaproblema. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 15, 24 at honey yellow.
AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Maganda ang matatanggap na balita. Matatapos ng maa-yos at walang balakid ang sinimulan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 16, 32 at mint green.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Isang tao ang sasalungat. Ang mabilis na pagkilos ang magliligtas. Malulutas ang gumugulo sa isipan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 11, 18, 32 at citrine yellow.
ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Ang balak na magtrabaho sa ibang bansa ay may kaunlaran kung isusulong ngayon. Mag-ingat lagi. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 21, 26 at tangerine.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Paglabanan ang kapusukan para hindi mapahamak.May magandang impormasyong matatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 5, 16, 28, 40 at violet.
GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Iwasan ang masasakit na biruan na maaa-ring makasugat ng damdamin nang hindi sinasadya. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 25, 33 at fuchsia.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Pakinggan ang kutob para hindi magkamali sa mga gagawin. Mag-ingat sa mandurugas. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 24, 35 at nile green.
LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Magkakaroon ng pagkakataon para maiangat ang hirap na kalagayan sa negosyo. Lucky numbers at color for the day ang 7, 16, 26, 36 at pearl pink.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Mag-ingat sa mandaraya dahil magiging lapitin ka nito. Maging matatag. Lucky numbers at color for the day ang 2, 13, 23, 33 at crimson.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Karagdagang pag-aaral ang gawin para mapaangat ang posisyon. Isang bagong pag-ibig ang sisibol. Lucky numbers at color for the day ang 6, 11, 23, 28 at cherry red.
- Latest

















