^

Kutob

Disyembre 15, 2008

- Madam Rosa -

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) - Huwag piliting magawa ang lahat ng bagay na sarili lamang ang inaasahan. Humingi ng tulong. Minsan ay kailangan talaga ang tulong ng iba. Huwag sayangin ang lakas sa mga bagay na hindi dapat pag-aksayahan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ang 2, 12, 24, 32 at avocado green.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) - Napakalayo ng iniisip ngayon. Dapat magpokus sa bagay na dapat pagtuunan ng pansin at hindi kung anu-ano ang iniisip na wala namang mangyayari. Mahihirapang makapagdesisyon kung sari-sari ang laman ng isipan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 14, 21, 28 at maroon.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) - Makabubuting magmasid, makinig at pag-aralan ang mga pangyayari at saka magbigay ng opinyon. Huwag kaagad magbigay ng reaksyon sa mga pangyayari upang mapanatili ang dignidad. Huwag gayahin ang iba na gumagawa ng maling gawain. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 12, 15 at sky blue.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) - Hindi matatapos ang problema kung hindi ito haharapin at hahanapan ng solusyon. Hindi sa lahat ng oras ay magagawang iwasan o tumakas at pabayaan na lamang ang suliranin. Nasa tao lamang ang kailangang solusyon kung pagsisikapang hanapin. Lucky numbers at color for the day ang 10, 20, 30, 40 at blue.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) - Sa ayaw at sa gusto, kailangang magsimulang kumilos. Sapat na ang inilaang araw sa pagsasaya at pamamasyal. Balik-trabaho na. Panahon na para balikan ang mga naiwang trabaho. Bagamat tinatamad, matutuwa kapag natapos na lahat ang nabimbing gawain. Lucky numbers at color for the day ang 3, 11, 34, 39 at lavender.

TAURUS (Abr. 20-May. 20) - Ilang mga gawain ang matatapos nang hindi gaanong mapapagod. Kung gugustuhin, maraming trabaho ang matatapos. Kailangan lamang ang disiplina sa sarili upang lalong maging produktibo. Lucky numbers at color for the day ang 15, 28, 35, 43 at mint green.

GEMINI (May. 21-Hun. 21) - Hindi masama ang maging masaya subalit huwag kalimutang may mga responsibilidad na hindi dapat mapabayaan. Mas nanaising mamasyal at magsaya kasama ang ilang kaibigan kaysa sa obligasyon sa pamilya, tahanan o pinapasukan. Lucky numbers at color for the day ang 18, 26, 30, 37 at yellow orange.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) - Anuman ang mangyari, manatiling matatag at huwag basta sumuko. Magiging negatibo ngayon kaya’t kahit maganda ang araw ay nananatiling nababahala at nag-iisip na may hindi magandang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 2, 10, 24, 32 at purple.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) - Mahihirapang sagipin ang problema. Kung nahihirapan sa pagdedesisyon, makabubuting humingi ng payo sa malapit na kaibigan kaysa pilitin ang sarili sa hindi naman kaya. Bigyang-halaga ang payo ng higit na nakakaalam. Lucky numbers at color for the day ang 7, 25, 31, 39 at pink.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) - Marami ang nangarap at nagnanais na sumama sa iyo para sila naman ay maging aktibo at produktibo. Naniniwala ang mga kasamahan na malaki ang iyong magagawa bilang miyembro ng grupo. Mararamdaman ang kahalagahan mo sa samahan. Lucky numbers at color for the day ang 21, 34, 40, 44 at brown.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) - Huwag magsimula ng panibagong gawain kung hindi tapos ang nasimulan. Ihanda ang sarili sa problemang maaaring dumating. Tiyaking nasa maayos at mabibigyang-pansin ang mahahalagang bagay dahil maaaring mawala nang hindi inaasahan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 9, 18, 23 at red ruby.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) - Ang matagal nang hinahanap na bagay na nawawala ay nasa paligid lamang. Huwag lumayo ng tingin. Baka hindi lang napapansin dahil hindi sa inaakalang lugar makikita. Lucky numbers at color for the day ang 12, 28, 37, 45 at peach.

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

KUNG

LUCKY

MAHIHIRAPANG

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with