^

Kutob

Nobyembre 15, 2008

- Madam Rosa -

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) - Kailangan ang matibay na paninindigan at lakas ng loob sa iyong napasukan upang magtagumpay. Ituloy kung anuman ang napasimulan. Tatag ng loob ang kailangan upang makamit ang tagumpay. Lucky numbers at color of the day ang 1, 7, 14, 35 at gray.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) - Sa simula lamang ang saya at kalbaryo ang sa hulihan sa bawal na relasyon kaya iwasan ito. Nakapaligid ang may pagnanasa at aakitin ka. Magdalawang-isip sa iyong gagawin dahil kapag nagkamali ay mabigat na kalbaryo ang koronang nakaputong sa ulo. Lucky numbers at color of the day ang 2, 29, 36, 37 at lemon green.

CAPRICORN (Dis. 21-Ene. 19) - Ang lalapit sa iyo ay may kailangang pinansiyal o payo. Kung kayang paunlakan ng pinansyal ay gawin at kung hindi naman ay sabihin nang maayos na hindi makasasakit sa kanyang damdamin. Lucky numbers at color of the day ang 16, 22, 31, 34 at yellow.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) - Hayaan munang humupa ang galit bago kausapin o harapin ang tao. Kung galit ang mister/misis, tumahimik na lamang at huwag magkomento upang maiwasan ang lalong paglaki ng gulo. Lucky numbers at color of the day ang 2, 8, 22, 39 at blue.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) - Upang maiwasang magkaroon ng problema tungkol sa pera at gastusin, ayusin ang accounting at pagba-budget. Ang akala mong nawaldas mong iniisip ay napunta pala sa pamimili ng gamit na hindi gaanong kailangan. Magtipid. Lucky numbers at color of the day ang 15, 19, 21, 33 at ruby red.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) - Kung patatangay sa mga alok ng kaibigan, masisira ang kinabukasan. Alalahaning walang ibang gumagawa ng iyong kapalaran kundi ang sarili. Angkop lamang ang kikitain sa pangangailangan ngunit kung dadagdagan ang pagsisikap at pagtitiyaga ay magkakaroon ng sobra. Lucky numbers at color of the day ang 9, 15, 26, 41 at orange.

TAURUS (Abr. 20-May 20) - Dahil sa tagumpay sa buhay, kaiinggitan ng mga kakilala o mga taong malapit sa iyo. Mag-ingat dahil ang iyong negosyo o pinagkakakitaan ay gagayahin ng iba. Lucky numbers at color of the day ang 17, 26, 29, 38 at cream.

GEMINI (May 21-Hun. 21) - Iwasang magsugal dahil tiyak talo ka hindi lamang sa pera kundi pati panahon at pagkakataon. Ibuhos ang atensiyon sa kasalukuyang ginagawa dahil magbibigay ito ng malaking pakinabang. Lucky numbers at color of the day ang 7, 15, 31, 44 at maroon.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) - May susukat kung hanggang saan ang iyong pasensiya sa tahanan at pinapasukan. Kung ipaglalaban ang prinsipyo, tiyak hahantong sa di-pagkakaunawaan. Magpakahinahon at habaan ang pasensiya. Lucky numbers at color for the day ang 3, 4, 29, 37 at brown.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) - Kung nagkaroon ng di-pagkakaunawaan sa pagitan ng minamahal, huwag mabahala sapagkat magkakaliwanagan din kaagad at magkakaroon ng magandang solusyon. Matutuloy ang binabalak at magkakaroon ng positibong resulta. Lucky numbers at color of the day ang 18, 34, 37, 42 at red.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) - Habaan ang pasensiya. Huwag pairalin ang init ng ulo. Huwag ding magpadalus-dalos. Pag-aralan muna ang mga bagay-bagay bago kumilos at magpasya. Lucky numbers at color of the day ang 4, 8, 29, 42 at beige.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) - Kung talagang labag sa loob, huwag magkunwari at magpakatoo. Maging totoo sa sarili at kapwa. Ang pagsisinungaling ay panloloko hindi lamang sa kapwa kundi lalo sa sarili. Lucky numbers at color of the day ang 2, 3, 26, 38 at ivory cream.

ALALAHANING

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with