^

Kutob

Nobyembre 01, 2008

- Madam Rosa -

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) - Huwag pairalin ang init ng ulo sa pagharap sa problema dahil hindi makapag-iisip ng magandang solusyon. Alalahaning laging nakasuporta ang mahal kaya walang dapat ipangamba. May gulong mangyayari kung idadaan sa dahas ang gusto. Lucky numbers at color of the day ang 6, 25, 38, 42 at fuchsia.

SAGITTARIUS (Nov. 23-Dis. 21) - Huwag magdamdam kung sakaling hindi matupad ang pangako. Alamin ang dahilan bago magdesisyon. Huwag basta magalit kung walang paliwanag ang kabilang panig. Makinig sa katwiran ng kapwa. Lucky numbers at color of the day ang 2, 4, 33, 41 at brown.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) - Huwag asahang ang ipinangako sa iyo ay matutupad. Ang katangiang mapagbigay, maalalahanin at maunawain ay magbibigay ng pag-asa sa binabalak. Huwag padala sa sulsol ng kapwa lalo ng bagong kakilala. Pangalagaan ang kalusugan. Lucky numbers at color of the day ang 8, 13, 25, 36 at beige.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) - Huwag palawakin ang alitan sa pagitan ng minamahal o kaibigan upang hindi mauwi sa walang imikan nang matagalan. Kailangang paminsan-minsan ay magbaba ng pride. Ang kaunting bagay na dapat pag-usapan ay huwag idaan sa tampo o pagsasawalang kibo. Lucky numbers at color of the day ang 8, 26, 36, 42 at ocean blue.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) - Isang suliranin na matagal nang bumabagabag ang mareresolba. Malaki ang pasasalamat ng minamahal dahil sa ginawang tulong. Maaaring magkaroon muli ng ibang suliranin ngunit walang maaasahang tulong mula sa iba. Lucky numbers at color of the day ang 17, 24, 31, 38 at violet.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) - Ang gawaing pisikal ay inaayunan ng panahon. Huwag magmalabis sa gawaing mental dahil kalusugan ang bibigay. Ang binabalak na sosyalan ay hindi makatutulong sa hinahangad at mag-aaksaya lamang ng panahon. Lucky numbers at color of the day ang 8, 16, 26, 33 at indigo.

TAURUS (Abr. 20-May 20) - Maganda ang personalidad ngayon na aakit sa mga kaibigan lalo na sa tagahanga. Tanggihan ang hindi gusto o labag sa kalooban upang maiwasang mapahamak. Sa pag-ibig, ang may inisyal na A o D ay may lihim na paghanga at malamang magtapat ng kanyang saloobin. Lucky numbers at color of the day ang 7, 20, 37, 39 at orange.

GEMINI (May 21-Hun. 21) - Kung inaakalang hindi tama ang gagawing pagsagot sa manliligaw, makabubuting pag-isipan muna ng maraming beses bago magdesisyon. Hindi ang opinyon ng kaibigan tungkol sa pag-ibig ang dapat sundin dahil sarili ang nakataya. Kung bukal sa puso ang gawin, walang dahilan upang ito ay patagalin pa. Lucky numbers at color for the day ang 24, 27, 33, 39 at green.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) - Magpakahinahon at magpasensiya kung may hindi pagkakaunawaan na malamang biglang sumulpot mula sa kasamahan o kasambahay. Lalong lalala ang di-pagkakaunawaan kung idadaan sa dahas o init ng ulo. Iwasang magsalita na makakasakit sa damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color of the day ang 5, 19, 22, 41 at yellow.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) - Nasa magandang pag-uusap mareresolba ang problema. Ang panlalamig ng kabiyak o minamahal ay sariling kasalanan. Hanapin ang paraan upang mabalik ang dating tamis at init ng pagmamahalan. Pangalagaan ang kalusugan. Lucky numbers at color of the day ang 1, 9, 29, 40 at lavender.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) - Marami ang makakapuna sa pagbabago ng ugali. Huwag ilagay sa ulo ang natanggap na suwerte o katanyagan dahil babawiin ito kung ipaiiral ang masamang ugali. Magpakumbaba. Alalahaning laging nakasuporta ang minamahal sa lahat ng pangarap. Lucky numbers at color of the day ang 6, 15, 26, 41 at pink.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) - Nakatakdang mabuo ang isang relasyon sa pagitan ng kasamahan sa trabaho o sa isang kaibigan. Bagay kayong dalawa kaya’t walang magiging problema. Lucky numbers at color of the day ang 16, 27, 35, 41 at magenta.

ALALAHANING

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

OKT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with