Hulyo 23, 2006
July 23, 2006 | 12:00am
LEO (Hul. 23 - Ago. 22) - Baguhin ang desisyon lalo na kung magreresulta ng hindi patas sa kasamahan, kasambahay o kaibigan. Malamang mawalan ng pasensiya ngunit maaaninag naman ang sigla dahil ang naudlot na lakad ay matutuloy. Huwag magpadalos-dalos. Lucky numbers at color for the day ang 21, 22, 40, 42 at aqua blue.
VIRGO (Ago. 23 - Set. 23) - Mapapabilang ka sa mga taong maaaring kumita ng malaki ngayon. Taglay mo ang positibong karisma kaya madali kang makakahikayat ng kausap lalo na sa mga customers. Iwasang maghinala ng masama sa kasama, kaibigan o kasambahay dahil ito ang magiging dahilan para mawala ang kanilang respeto sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 15, 16, 40, 41 at neon green.
LIBRA (Set. 24 - Okt. 23) - Masasangkot ka sa isang sitwasyon na magagamit ang husay sa pananalita at diplomasya. Maganda ang takbo ng pananalapi. Isang Aries o Scorpio ang magkakaroon ng malaking bahagi sa iyong aktibidad. Wala kang magiging reklamo sa takbo ng lahat na relasyon, lalo na sa buhay mag-asawa. Lucky numbers at color for the day ang 18, 24, 34, 39 at jade green.
SCORPIO (Okt. 24 - Nob. 22) - May hadlang sa iyong plano o gagawin sa trabaho lalo na tungkol sa napag-usapan sa minamahal. Ang magulong kapaligiran ay siyang dahilan sa pagpapaliban ng ilang mahahalagang bagay na dapat gawin. Mag-ingat sa mga matutulis at matatalas na bagay kung may gagawin. Lucky numbers at color for the day ang 19, 20, 36, 40 at yellow.
SAGITTARIUS (Nob. 23 - Dis. 21) - Ang makikilala mo ngayon ay nagtataglay ng mga katangiang hinahanap mo sa isang mamahalin. Malamang makatagpo mo ngayon ang iyong soulmate o twin-flame. Kung titibok ang puso mo ngayon, huwag nang pakawalan dahil tiyak ang iyong magandang buhay sa kanyang piling. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 39, 41 at brown.
CAPRICORN (Dis. 22 - Ene. 19) - Maging tapat at huwag itago ang tunay na nararamdaman. Kung may galit , hindi masamang ilabas at sabihin ngunit hanggat maaari ay iwasang magmura. Idaan sa diplomasya at mahinahong salita. Magkakaroon ng linaw ang matagal ng suliranin tungkol sa pag-ibig. Sa dapit-hapon ay magiging maaliwalas ang pakiramdam. Lucky numbers at color for the day ang 11, 12, 33, 34 at red.
AQUARIUS (Ene. 20 - Peb. 18) - Kung marumi ang kapaligiran, mag-ingat dahil madali kang kapitan ng sakit mula rito. Makakabuting ilaan ang panahon sa paglilinis ng kapaligiran sa tahanan o sa pinapasukan. Alagaan ang kalusugan na siyang tanging puhunan sa hanapbuhay. Magsimula ka nang magtipid upang hindi kapusin sa hindi maiiwasang gastusin ng mga nag-aaral. Lucky numbers at color for the day ang 12, 17, 23, 44 at orange.
PISCES (Peb. 19 - Mar. 20) - Huwag magpapakita ng pagkainis o pagkapikon sa kaibigan o kasamahan na nambubuwisit dahil hindi ka tatantanan hanggang nawalan ka ng pasensiya. Tawanan ang nang-aasar at huwag pansinin at tiyak magiging maganda at maaliwalas ang iyong buong araw. Kung may negosyo, magsisimula ang pag-unlad. Lucky numbers at color for the day ang 13, 24, 35, 36 at indigo.
ARIES (Mar. 21 - Abr. 19) - Isang kapamilya ang mabibigyan mo ng kasiyahan. Kung balak magnegosyo, pag-aralan muna at magsaliksik ng mga mahahalagang impormasyon bago simulan. Project study muna ang kailangan sa anumang negosyo o pangmatagalang hanapbuhay upang hindi danasin ang pagkabigo. Lucky numbers at color for the day ang 10, 20, 33, 34 at green.
TAURUS (Abr. 20 - May. 20) - Bagaman paminsan-minsan ay nakakarinig ng hindi magandang salita mula sa pamilya ng asawa, maaasahang walang sigalot sa love-life at mananatili ang harmonya ng inyong pagsasama. Iwasan ang mga talakayan na walang maidudulot na kabutihan. Hanggat maaari ay tumahimik. Lucky numbers at color for the day ang 19, 24, 32, 33 at red.
GEMINI (May. 21 - Hun. 21) - Ngayon pa lamang dapat paghandaan ang mga gastusin sa mga aktibidad ng mga nag-aaral. Simulang mag-ipon para sa obligasyon sa mga pinag-aaral upang hindi sumakit ang ulo pagdating ng bayaran sa paaralan. Huwag aksayahin ang panahon. Anumang anggulo na magandang pagkakitaan ay dapat sunggaban basta sa mabuting paraan. Lucky numbers at color for the day ang 16, 29, 35, 37 at sky blue.
CANCER (Hun. 22 - Hul. 22) - Habaan ang pasensiya upang mapaglabanan ang mga kabiguan sa buhay. Bawasan o putulin ang mga oras na ginugugol sa libangan o walang kabuluhang mga bagay upang maharap at magawa ang responsibilidad. Kung lahat ng ito ay magagawa, tatahakin ang tamang landas ng kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ang 15, 25, 30, 40 at blue.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended