Pebrero 07, 2006

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) – Aksidenteng makakasalubong ang dating kasuyo. Iwasan ang muling matukso. Mahal ka pa rin niya sa kabila ng lahat na masakit na ginawa mo sa kanya kaya lang, mas matimbang ang paghihiganti. Bigyang-pangangalaga ang kalusugan. Lucky numbers at color of the day ang 2-17-22-38 at yellow.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Makakahiligan ang mga klasikal na musika at ito ay makatutulong para makapag-isip ng solusyon sa problema. Mababawasan ang paghanga ng isang lihim na nagmamahal dahil sa sobrang kayabangan. Lucky numbers at color of the day ang 4-12-34-41 at lavender.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Mararamdaman ang suporta ng kapamilya sa gagawing pagbabago, gayundin ang kanilang pagmamahal sa kabila ng lahat ng iyong pagkakamali. Balansehin ang lahat ng bagay sa gustong ipundar o mangyari. Lucky numbers at color of the day ang 6-20-30-36 at copper red.

TAURUS (Abr. 20-May 20)
– Magkakaroon ng eskandalo dahil sa bawal na relasyon kung hindi aagapan ang pag-iwas. Matinding sakit ang mararamdaman kailangang malagpasan dahil sa kabiguan. Hindi naman pababayaan ng isang malapit na kaibigan o minamahal ang iyong mabigat na problema. Lucky numbers at color of the day ang 2-5-16-34 at pink.

GEMINI (May 21-Hun. 21)
– Maalaala ang minamahal na nasa malayong lugar. Maaaring i-text o tawagan para maibsan ang nararamdamang kalungkutan at pananabik. Iwasang magsugal na posibleng malaking pera ang mawaldas sa walang kabuluhang bagay. Lucky numbers at color of the day ang 5-24-31-39 at orange.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Maaaring matukso ng isang mas bata pa sa iyo na hahantong sa isang relasyon. Magkakaroon ng lakas ng loob upang ipakita ang matagal nang itinatagong damdamin o saloobin. Mag-ingat dahil may pagsisisihan sa gagawin. Lucky numbers at color of the day ang 1-14-30-38 at electric blue.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Lalala ang pagka-depress na nararamdaman dahil sa pagwalambahala ng kapareha o minamahal. Madadagdagan ang mabigat na load sa trabaho. Dahil dito, mapapansin ng iyong boss o supervisor ang iyong pagresolba sa problema. Mag-ingat dahil nakatuon ang pansin ng nakatataas sa iyo. Lucky numbers at color of the day ang 5-19-25-42 at sky blue.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Isang kasunduan ang hindi matutupad. Huwag maging mapusok sa larangan ng pag-ibig dahil kapahamakan ang aabutin at pagsisisihan. Madadagdagan ang timbang na lampas sa nais na taglayin kung walang disiplina sa pagkain. Lucky numbers at color of the day ang 11-13-28-41 at lemon green.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Isang bagay ang matutuklasan sa taong pinagkakatiwalaan na ikasasama ng loob. Maging prangka at kausapin ang taong kinasamaan ng loob. Huwag idamay ang walang kinalaman sa init ng ulo. Pag-aralang mabuti ang isang pinaplano bago gawin. Lucky numbers at color of the day ang 9-26-33-45 at cherry red.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Maipagbibili ang ilang ari-arian dahil sa kagipitan. Makakalimot sa mga personal na pangangailangan dahil sa problema. Hindi makokontrol ang panghihina ng katawan sa araw na ito. Lucky numbers at color of the day ang 7-16-36-38 at white.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Mapapansin ang pagseselos ng minamahal o mga kaibigan. Magiging sensitibo ang damdamin sa ibang tao sa iyo. Makakamit ang suporta ng mga kasamahan sa isang proyektong isusulong. Lucky numbers at color of the day ang 2-15-39-41 at apple green.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Piliin ang mga taong makakasama. Maaaring mahatak sa kanilang negatibong enerhiya o maudyok sa gagawing hindi maganda. Kumplikado ang mag-isip tungkol sa pag-ibig ngayon kaya ibaling sa ibang makabuluhang bagay ang isip. Lucky numbers at color of the day ang 8-11-27-40 at pink.

Show comments