Hunyo 1, 2005

GEMINI (May 21-Hun. 21) – Mararamdaman ang pag-ibig ng minamahal. Ang hindi lang maganda ay ang hindi kayo compatible sa maraming bagay lalo na sa ugali. Tumulong sa mga gawaing-bahay. Lucky numbers at color of the day ang 2-18-25-35 at royal blue.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) –
Aksidenteng makakatagpo ang taong makakatulong sa iyong problemang pinansyal. Maraming titingala sa iyo sa galing mo sa trabaho. Iwasang uminom ng sobrang alak. Lucky numbers at color of the day ang 3-17-33-35 at pearl white.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) –
Mananatiling tapat ang minamahal sa kabila ng iyong pagtataksil. Magulo ang isip sa araw na ito. Huwag masamain ang mga payo ng mga taong nakatatanda sa iyo. Bigyang-pangangalaga ang kalusugan. Lucky numbers at color of the day ang 7-18-27-39 at emerald green.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) –
Tila wala nang solusyon ang problema na iyong sinusuong sa mga araw na ito. Huwag panghinaan ng loob, kaya mo ito. Huwag mawalan ng pag-asa at humingi ng tulong sa Maylikha. Lucky numbers at color of the day ang 11-23-30-41 at sky blue.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) –
Iwasan ang mga panandaliang-aliw; walang mabuting maibibigay ito. Mararamdaman ang sama ng loob ng minamahal ngunit babalewalain ito. Huwag padala sa sulsol ng iba. Lucky numbers at color of the day ang 6-15-20-27 at golden brown.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) –
Magbibigay ng payo sa isang taong malaki ang tiwala sa iyo. Kailangang tanggapin ang katotohanan na wala na ang dating kasikatan at taglay na karisma. Lucky numbers at color of the day ang 3-22-35-40 at sapphire blue.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) –
Ngayon mapapatunayan na hindi lamang ikaw ang mahalaga at mahal sa buhay ng iyong ka-partner. Maninibago ang katawan sa klima ng panahon kaya may iindahing sakit sa katawan. Mag-ingat sa pagtawid sa magulong lansangan. Lucky numbers at color for the day ang 4-19-26-39 at light yellow.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) –
Patototohanan ng isang kaibigan ang tapat mong pag-ibig sa minamahal. Makakakilala ng bagong taong maidaragdag sa iyong mga koneksiyon na may mahalagang papel na gagampanan sa hinaharap. Lucky numbers at color of the day ang 5-18-24-32 at cherry red.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) –
Masasangkot sa away ng kapitbahay kung hindi mag-iingat. Maganda kung mananahimik na lamang para hindi lumaki ang gulo. Huwag nang umasa na babayaran ng taong may pagkakautang sa iyo. Lucky numbers at color of the day ang 3-28-29-44 at burgundy.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) –
Huwag pabayaan ang sarili. Ang sobrang pagpupuyat ay makakasama sa kalusugan. Hindi na magiging maganda ang relasyon sa minamahal dahil sa sariling kagagawan. Lucky numbers at color of the day ang 9-13-24-37 at old rose.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Makakaganti rin sa kabutihang ipinakita ng isang kaibigan. Iwasan ang isang paanyaya ng kaibigan lalo na kung sa bandang gabi ang lakaran. Matutuloy ang binabalak sa araw na ito. Lucky numbers at color of the day ang 6-19-23-37 at fire red.

TAURUS (Abr. 20-May 20) –
Dadalawin ng isang kaibigan ngayon. Magagandang balita ang dala niya para sa iyo. Makikita ang mga kamaliang nagawa kung bibigyan ng panahon. Balikan ang mga nakaraang pangyayari. Lucky numbers at color of the day ang 10-25-31-32 at emerald green.

Show comments