^

Kutob

Mayo 3, 2004

- Madam Rosa -
TAURUS (Abr. 20-May. 20) – May magmamasid sa iyong mga kilos at kung hindi mag-ingat at may mang-iintriga o tsismis na lalabas. May maghahanap ng butas upang sirain ka. Lucky numbers at color for the day ang 3-16-27-32 at lavander.

GEMINI (May. 21-Hun. 21) –
Taas-noo mong harapin ang anumang balakid na darating. Magpakahinahon dahil kung init ng ulo ang iiral, kahit may katwiran ay mapapasubo ka sa away. Lucky numbers at color for the day ang 4-17-25-42 at turquoise.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
Tuturuan ng leksiyon ng isang madamdaming pangyayaring masasaksihan. Mahalagang pakinggan ang ibinubulong ng konsensiya. Itikom ang bibig upang hindi mapaaway. Huwag sagupain ang init ng ulo ng minamahal. Lucky numbers at color for the day ang 5-17-34-44 at orange.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) –
Magiging mailap ang kapayapaan ng kalooban dahil sa pagka-depress, hinanakit o pagkainis. Kung ganito ang nararamdaman, kumunsulta sa isang psychic upang magkaroon ng tamang solusyon. Walang mapapalang tulong mula sa ilang kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 6-12-27-33 at red.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) –
Kung magkakaroon ng social acquaintance, magiging daan ito ng dagdag na kaunlaran sa buhay. Mapapatunayan na ang sinayang na panahon ay hindi na babalik. Ituloy ang nasimulang trabaho. Iwasan ang anumang uri ng sugal. Lucky numbers at color for the day ang 8-13-18-26 at green.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) –
Nakakondisyon ang isip at katawan. Kabigha-bighani ang pagkatao at napapanahong gamitin sa pakikipagtransaksyon. Kung buy-and-sell ang negosyo, malaki ang kikitain. Lucky numbers at color for the day ang 1-29-35-40 at gray.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) –
Layuan ang taong mapusok dahil maaaring ipahamak ka nito sa kaguluhan. Iwasan ang anumang paanyaya ng kaibigan. Kung may lalakarin, gawin ito sa umaga nang walang kapalpakang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 8-19-28-31 at indigo.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) –
Magkakaroon ng kaukulang paliwanag ang isang akusasyon o pagbibintang sa iyo. Huwag mag-alala dahil nasa panig ka ng katuwiran. May darating na bagay buhat sa ibang bansa. Lucky numbers at color for the day ang 5-24-31-43 at jade green.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) –
Magagamit ngayon ang natatagong talino dahil sa gipit na sitwasyon. Maaaring magipit sa pagitan ng tungkulin at pangangailangan ng pamilya. Posible rin ang kagipitan sa pera ngunit ito naman ay mabibigyan kaagad ng solusyon. Lucky numbers at color for the day ang 7-16-30-36 at pink.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) –
Lingunin ang pinanggalingan upang makarating sa gustong patunguhan. Kung may utang, dapat alalahaning bayaran upang gumaan ang pasok ng pera. Kung may pautang naman ay maningil ngayon at tiyak mababayaran. Lucky numbers at color for the day ang 2-15-27-32 at tangerine.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) –
Maisasakatuparan ang mga balak kung kabutihan ang pakay. Maisasakatuparan din ang isang masamang binabalak ngunit makabubuting huwag na itong ituloy sapagkat mahuhuli ka. Lucky numbers at color for the day ang 1-17-25-38 at blue.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Maganda ang oportunidad kung magsisimulang magnegosyo. Kung may hindi natapos, tapusin kaagad bago magsimula ng panibago. Kung may lalakarin, iwasan sa umaga. Lucky numbers at color for the day ang 2-14-25-40 at green.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

IWASAN

KUNG

LUCKY

MAISASAKATUPARAN

NUMBERS

OKT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with