^

Kutob

Setyembre 26, 2003

- Madam Rosa -
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) – Iwasang magbitiw ng mararahas na pananalita na makakasugat sa damdamin ng kapwa. Huwag umasa sa tulong ng iba, kaibigan man, kaanak o minamahal. Magsikap at magtiyaga upang makamit ang minimithi. Lucky numbers at color of the day ang 7-17-18-35 at brown.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) –
Mahalagang makatiyak sa anumang gawain. Bigyang-diin ang mga detalye. Sikaping maging maayos ang lahat ng bagay sa tahanan at pinapasukan. Umaayon ang maikling paglalakbay lalo kung may kinalaman sa trabaho. Lucky numbers at color of the day ang 6-7-13-20 at scarlet.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) –
May kaunting problema sa tahanan na magbibigay ng pagkainis at kalungkutan. Maging mahinahon at panatilihin ang wastong pag-iisip upang walang masaktan. Mahihingan ng payo ang matalik na kaibigan. Lucky numbers at color of the day ang 3-18-25-37 at ivory cream.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) –
Sikaping maging maagap sa lahat ng bagay. Hindi magiging lubhang abala. Ang problema tungkol sa magulang ay madaling malulunasan. Walang dahilan upang magalit o malungkot. Lucky numbers at color of the day ang 6-12-22-36 at orange.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) –
Malulutas ang bagay na gumugulo sa isipan. Huwag magpadalus-dalos ng desisyon. May pagkakataong maisaayos ang problemang taglay. Iwasan ang labis na kapaguran alang-alang sa kalusugan. Maglaan ng panahon sa pagpapahinga. Lucky numbers at color of the day ang 2-7-33-34 at dollar green.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) –
Ang lahat ng kabutihang ginagawa ay may kapalit na biyaya mula sa ibang tao. Masaya ang pakikisalamuhang-sosyal. Ang araw ay makulay dahil sa pag-ibig. Lucky numbers at color of the day ang 9-16-22-38 at lemon green.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Pag-ukulan ng pagsisikap ang trabaho at nandiyan ang pakinabang. Huwag agad-agad maniwala sa mga tsismis na maririnig. Mapamaraang pakikitungo ang dapat gawin sa mga kasamahan. Ang pakikipagtulungan sa mga kaanak ay mahalaga. Lucky numbers at color of the day ang 7-16-20-33 at garnet red.

TAURUS (Abr. 20-May 20) –
Lalong mapapabuti ang kalagayang pinansyal. May pagkakataong madagdagan ang kinikita. Ang pakikipagtulungan sa minamahal ay magiging kapaki-pakinabang. Mahalagang pagtuunan ng panahon ang kaanak. Lucky numbers at color of the day ang 4-18-37-42 at peach.

GEMINI (May 21-Hun. 21) –
Ang dating hinanakit ay mapapawi kung pagsisikapang ihanap ng solusyon. Posible ang isang magandang balita na hatid ng isang kaibigan. Madaling mahihimok ang mga tao sa paligid. Lucky numbers at color of the day ang 6-18-25-30 at jade green.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) –
Malaking bagay ang magagawa ng pagtitiwala. Matutuklasan ang isang lihim. Nasa tamang landas ang magandang kapalaran tungkol sa pananalapi. Magkakaroon ng kasiya-siyang romansa. Ang minamahal ay malambing at mapagmahal. Lucky numbers at color of the day ang 8-10-16-35 at red.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) –
Walang magiging problema sa tahanan gayundin sa pinapasukan. Maayos ang takbo ng gawain. May suwerte sa negosyo. Magiging masaya at makulay ang romansa kung iiwasan ang magselos. Lucky numbers at color of the day ang 8-13-22-33 at purple.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) –
Malilimot nang ganap ang di-pagkakaunawaan sa isang kasamahan. Malulutas ang ilang bagay na matagal nang gumugulo sa isipan. Labis na maliligayahan sa suportang ibibigay ng minamahal. Lucky numbers at color of the day ang 4-14-17-24 at cobalt blue.<

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

LUCKY

MAHALAGANG

MALULUTAS

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with