^

Kutob

Agosto 01, 2003

- Madam Rosa -
LEO (Hul. 23-Ago. 22) – Ang magaganap ay nasa iyong panig. Kung mag-a-apply ng trabaho ay matatanggap lalo at gagawin sa umaga. Kung ano ang nasimulan ay matatapos nang walang sagabal. Walang magiging problema sa trabaho at tahanan. Lucky numbers at color of the day ang 6-8-13-39 at emerald green.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Puno ng enerhiya at maliksi ang katawan subalit mananaig ang katamaran. Malamang makapunta ng lugar na hindi pa nararating. Huwag padala sa sulsol ng iba at iwasan ang mga tsismisan. Lucky numbers at color of the day ang 7-23-34-41 at oak brown.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Ipagpaliban ang binabalak sa pagbabago ng kabahayan, opisina o trabaho. May balakid sa larangan ng pag-ibig ngayon. Kung may asawa, malamang pagdudahan ng kabiyak o siya ang may nadaramang pagkaakit sa iba. Lucky numbers at color of the day ang 8-28-35-39 at avocado green.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Makikilala ang taong may lihim na pagtingin. Hindi aakalain na siya pala ang secret admirer. Pag-isipang mabuti ang pagsali sa grupo upang walang pagsisihan. Maging praktikal. Lucky numbers at color of the day ang 5-19-27-35 at silver.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– May susubok sa iyong pagtitimpi. Ngayon dapat gamitin ang pagkamahinahon at talino. Huwag mainip sa paghihintay ng kausap dahil maaalintana sa pagdating. Lucky numbers at color of the day ang 5-10-15-30 at aquamarine.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Sa kabila ng maliit na kabiguan na naranasan, mapapaunlad ang abilidad. Magkakaroon ng dagdag na kaalaman at maisasaayos ang kalagayan ng buhay. Huwag matakot makipagsapalaran sa negosyo dahil uunlad kung sisimulan ngayon. Lucky numbers at color of the day ang 12-19-22-37 at dollar green.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Magkakaroon ng pagtatalo tungkol sa pera. Nakatakdang magkaroon ng problema sa karelasyon na dapat ayusin kaagad upang hindi na lumala pa. Huwag idaan sa init ng ulo ang pagresolba sa problema. Lucky numbers at color of the day ang 8-18-28-38 at orange.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Magkakaroon ng katunggali na siyang susubok sa iyong kakayahan. Maaaring magkaroon ng diskuntento ang pinaglilingkuran sa iyong performance o dahil sa tsismis. Mag-ingat dahil may nagbabalak kang sirain o talagang sinisira ka na. Lucky numbers at color of the day ang 3-7-12-44 at white.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Tiyaking hindi mawala ang tiwala ng nakatataas sa kumpanyang pinapasukan. May taong naiinggit dahil sa tagumpay na tinatamasa. Walang problema sa pinapasukan subalit magkakaroon ng kaunting gusot sa tahanan. Lucky numbers at color of the day ang 5-16-22-42 at orange.

TAURUS (Abr. 20-May 20)
– Pairalin ang diplomasya. Malamang magkaroon ng tensyon sa pagitan ng kapitbahay o kasamahan dahil sa hindi pagkakaunawaan. Kung magiging mahinahon at maunawain, maraming hahanga sa gagawin. Lucky numbers at color of the day ang 17-27-37-41 at electric blue.

GEMINI (May 21-Hun. 21)
– Magiging magiliw at handang makiisa ang pamilya sa layunin o binabalak. Malamang magkaroon ng bagong manliligaw o pag-ibig. May magtatangkang makialam sa trabaho o desisyon. Isang Aries ang magbibigay-kasiyahan. Lucky numbers at color of the day ang 2-22-32-42 at tan.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Magiging daan sa pagbabati ng miyembro ng pamilya na nagkaroon ng di-pagkakaunawaan. Maganda ang pasok ng pananalapi. Magkakaroon ng sideline na kikita nang malaki. May kaibigang magbi-birthday pero hindi ka makakadalo. Lucky numbers at color of the day ang 13-19-37-45 at electric blue.

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

ISANG ARIES

LUCKY

MAGIGING

MAGKAKAROON

MALAMANG

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with