^

Kutob

Abril 26, 2003

- Madam Rosa -
TAURUS (Abr. 20-May. 20) – Matuwa dahil nasa tamang landas ang tuluyang pagkalimot ng di-pagkakaunawaan ng magkaibigan o magkasintahan. Kung may gumugulo sa isipan, ang solusyon ay nasa harapan lamang. Lucky numbers at color for the day ang 4-14-17-24 at cobalt blue.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Maganda ang panahon dahil ang lahat ng hinanakit ng nakaraan ay mapapawi. Posible ang magandang balita na hatid ng isang kaibigan o kaanak. Madaling makumbinsi ang mga tao sa paligid. Lucky numbers at color for the day ang 9-16-25-30 at jade green.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Malaki ang magagawa ng pagtitiwala kaya ngayon ito dapat ibigay. Isang lihim ang matutuklasan. Ang minamahal ay maglalambing na dapat bigyan ng atensyon at panahon. Lucky numbers at color for the day ang 8-10-16-36 at red.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Mukhang nakaligtaang pag-ukulan ng pagsisikap ang trabaho kung saan nandito ang pakinabang. Huwag agad-agad maniwala sa mga tsismis na maririnig, sa halip ay alamin muna ang katotohanan. Bigyang-halaga ang komunikasyon. Lucky numbers at color for the day ang 7-16-20-33 at ruby red.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Matuwa dahil lalong mapapabuti ang kalagayang-pinansyal at may pagkakataong madagdagan ang kikitain. Ang makipagtulungan ay magbibigay ng malaking pakinabang. Lucky numbers at color for the day ang 4-18-37-42 at peach.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– May kalutasan ang gumugulo sa isipan kung hindi magpapadalus-dalos ng desisyon. Malaking pagkakataong maayos ang suliraning taglay. Iwasan ang labis na kapaguran na siyang hinihingi ng kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 2-7-33-34 at dollar green.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Ang lahat ng kabutihang nagawa ay may kapalit na biyaya mula sa ibang tao na mapapasakamay. Masaya ang pakikisalamuhang sosyal na dadaluhan. Magiging makulay ang bawat oras dahil sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 9-16-22-38 at lemon green.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Kaunting problema sa tahanan ang magbibigay sa iyo ng kalungkutan at pagkainis. Maging mahinahon at panatilihin ang wastong pag-iisip upang walang masaktan. Mahihingan ng payo ang isang kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 3-18-25-37 at ivory cream.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Tatamarin kahit hindi gaanong abala. Sikaping maging maagap sa lahat ng bagay dahil lumalandas ang magandang pagkakataon. Ang problema tungkol sa magulang ay malulutas kaagad. Walang dahilan upang magalit o malungkot. Lucky numbers at color for the day ang 6-12-22-36 at orange.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Masungit ngayon kaya’t iwasang magbitiw ng mararahas na salita na makakasugat sa damdamin ng kapwa. Huwag umasa sa tulong ng iba. Magsikap at magtiyaga upang makamit ang minimithi. Lucky numbers at color for the day ang 7-17-18-35 at beige.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Magiging pabaya ngayon. Isiping mahalaga ang makatiyak sa gawain. Bigyang-diin ang mga detalye. Sikaping maging maayos ang lahat ng bagay sa tahanan at pinapasukan. Umaayon ang maikling paglalakbay. Lucky numbers at color for the day ang 6-7-13-20 at brown.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Walang problema sa tahanan maging sa pinapasukan. Maayos ang takbo ng mga gawain. Masuwerte sa negosyo. Iwasan ang usaping selos nang maging masaya ang pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 8-13-22-35 at purple.

vuukle comment

BIGYANG

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

IWASAN

LUCKY

MAGIGING

MATUWA

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with