^

Kutob

Enero 11, 2003

- Madam Rosa -
CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) – Umaayon ang pagpapayaman ng katalinuhan at karanasan. Ang mga gintong-aral sa buhay ay magagamit ngayon. Madaling malulunasan ang suliranin. Magiging maaliwalas ang buong araw. Bigyang-pansin ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 1-16-17-35 at beige.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Lawakan ang pang-unawa at matutong magpaubaya. Malulutas ang suliraning bumabagabag sa sarili. Mapalad ang gagawing pakikipagtransaksyon sa negosyo. Magiging maunlad ang pasok ng negosyo. Lucky numbers at color for the day ang 11-13-25-37 at magenta.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Magiging balisa sa buong maghapon dahil sa isang mabigat na problema. May handang tumulong na kaanak. Malulutas din ang problema kung magiging malawak ang isip. Lucky numbers at color for the day ang 10-24-35-44 at orange.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Magiging magulo ang araw. May magaganap na pagtatalo ng kasamahan. Iwasan ang hindi pagkakaunawaan at madaling pag-iinit ng ulo at idaan sa magandang usapan ang anumang bagay. Huwag maging marahas. Lucky numbers at color for the day ang 8-13-24-39-41 at purple.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– May ilang mararamdaman na hindi kanais-nais sa araw na ito. Sikaping huwag magmalabis sa kapwa lalo na sa binibitiwang salita. Bigyang-halaga ang kalusugan. Mag-ingat sa mga kinakain dahil madaling masira ang tiyan. Lucky numbers at color for the day ang 4-15-32-42 at opal.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– May mga desisyon o hakbang na kailangang pag-isipang mabuti. Huwag magpadalus-dalos sa desisyon. Humingi ng payo o suhestiyon sa kaanak o kaibigan upang walang pagsisihan balang-araw. Lucky numbers at color for the day ang 8-15-29-40 at pink.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Magkakaroon ng di-pagkakaunawaan sa isang kaibigan. Selos ang magiging pangunahing dahilan ng di-pagkakaunawaan. Maging mahinahon at pag-usapan ang mga bagay upang hindi na mauwi pa sa malaking gulo. Lucky numbers at color for the day ang 2-10-18-37 at indigo.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Ang tunay na kaibigan ay sa kagipitan makikilala. Naaayon ang panahon upang iwasan ang kaibigan sa turing at wala sa gawa. Magiging maligaya ang romansa. Lucky numbers at color for the day ang 8-16-19-30 at dollar green.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Maayos ang takbo ng mga gawain. May suwerte sa negosyo. Walang magiging problema sa tahanan. Magiging masaya at makulay ang romansa kung iiwasan ang usapang selos. Lucky numbers at color for the day ang 5-13-22-26 at lilac.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Magiging masuwerte ang araw. Magsisimula ang pagbabago ng buhay. Makatatanggap ng magandang balita. Dagdagan ang sipag at tiyak magtatagumpay sa hinahangad. Lucky numbers at color for the day ang 15-23-37-40 at fuschia.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Maipapakita ang kakayahan kung nanaisin. Taglay ang kahinahunan ng pag-iisip sa gawaing mental at pisikal. Iwasan ang maglasing at magsugal. Lucky numbers at color for the day ang 6-18-22-27 at jade green.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Maging mahinahon. Huwag hayaang mag-init ang ulo. Mabubuksan ang magandang pagkakataon na hindi dapat palagpasin. Magiging matagumpay sa binabalak na proyekto. Lucky numbers at color for the day ang 1-10-19-36 at peach.

vuukle comment

BIGYANG

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

IWASAN

LUCKY

MAGIGING

MALULUTAS

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with