^

Kutob

Setyembre 14, 2002

- Madam Rosa -
VIRGO (Ago. 23-Set. 23) – Makatutuklas ng isang lihim. Nasa tamang landas ang magandang kapalaran tungkol sa negosyo. Ang minamahal ay malambing at mapagmahal. Nakalaan ang masayang pagniniig. Lucky numbers at color for the day ang 8-10-16-35 at red.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Maging mahinahon at panatilihin ang wastong pag-iisip upang walang masaktan. Mahihingan ng payo ang matalik na kaibigan. Ang suliranin sa loob ng tahanan ang magbibigay ng kalungkutan at pagkainis. Lucky numbers at color for the day ang 3-18-25-37 at cream.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Sikaping maging maagap sa lahat ng bagay. Hindi lubhang magiging abala sa trabaho at umaayon ang panahon sa pagpaplano sa susunod na hakbangin. Lucky numbers at color for the day ang 3-12-25-34 at orange.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Anumang binabalak ay maisasakatuparan. Magiging masaya ang pakikisalamuhang sosyal. Ang kabutihang nagawa ay may kapalit na biyaya na malamang matanggap ngayon. Malulutas ang tinataglay na problema. Lucky numbers at color for the day ang 9-16-22-38 at lemon green.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Laanan ng panahon ang pagpapahinga. Iwasan ang labis na kapaguran dahil kalusugan ang nakataya. Malulutas ang ilang bagay na gumugulo sa isipan. Huwag magpadalus-dalos sa pagdidesisyon nang hindi magsisi sa bandang huli. Lucky numbers at color for the day ang 2-7-33-34 at dollar green.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Umaayon ang panahon at pagkakataon sa pag-aayos ng personal na problema. Nasa tamang landas para mapaunlad ang kalagayang pinansyal. May pagkakataong madagdagan ang kinikita. Lucky numbers at color for the day ang 4-18-34-45 at peach.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Pag-ukulan ng panahon ang obligasyon sa pamilya. Ang pakikipagtulungan sa pamilya ay mahalaga. Huwag agad maniwala sa mga tsismis na maririnig. Lucky numbers at color for the day ang 7-16-20-33 at garnet red.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Kung may suliranin sa nakaraan lalo na sa relasyon, harapin ito ngayon dahil magiging magaan ang magandang solusyon. Kung may naiisip na gawin, huwag nang mag-aksaya ng panayon sa pagkilos dahil may ibubunga itong maganda. Iwasan ang malayong paglalakbay. Lucky numbers at color for the day ang 4-14-17-24 at cobalt blue.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Magiging maayos ang takbo ng mga gawain kung mapaglabanan ang anumang balakid. May suwerte ang negosyo. Masaya ang buhay pag-ibig kung maiiwasan ang sobrang selos. Walang magiging problema sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 10-24-35-42 at purple.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Umaayon ang maikling paglalakbay lalo na kung may kinalaman sa trabaho. Pagsikapang maging maayos ang lahat ng bagay sa tahanan o pinapasukan. Mahalagang makatiyak sa anumang gawain. Lucky numbers at color for the day ang 6-9-15-36 at scarlet.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Magsikap at magtiyaga upang makamit ang minimithi. Huwag umasa sa tulong ng iba. Iwasan ang makapagbitiw ng masasakit na salita na makakasakit sa kapwa. May magandang kapalaran sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 7-17-18-35 at golden brown.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Walang magiging problema sa salapi. Pabor sa mga plano mo ang lahat nang magaganap. Ma-romansang gabi ang naghihintay sa iyo. Mag-relax kasama ang pamilya. Lucky numbers at color for the day ang 5-8-32-42 at dark green.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

IWASAN

LUCKY

MAGIGING

MALULUTAS

NUMBERS

OKT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with