^

Kutob

Hunyo 20, 2002

- Madam Rosa -
GEMINI (May. 21-Hun. 21) – Ihanda ang sarili sa mga pagbabagong nakatakdang mangyari. Huwag lamang hayaang umiral ang takot sa kalagitnaan dahil nasisira ang diskarte. Tiyaking matatag ang sarili at huwag agad susuko kahit ano ang mangyari. Lucky numbers at color for the day ang 14-25-31-43 at avocado green.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– May mabisa at murang paraan para mapasaya ang sarili nang hindi kinakailangang gumastos nang sobrang mahal. Kailangan ngayon ang magtipid lalo na’t may pinaplanong bilhin o paggagastusan. Lucky numbers at color for the day ang 2-16-23-45 at lilac.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Panatilihin ang kasimplehan. Higit kang mas kaakit-akit sa katangiang ito. Maraming kaibigan ang matutuwa at hindi mangingiming lumapit dahil sa taglay na katangiang ito. Lucky numbers at color for the day ang 7-14-28-36 at old rose.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Isang kaibigan ang hihingi ng tulong. Yayain siya sa labas para makita niyang kahit may problema siya ay hindi pa katapusan ng mundo. Ipasyal at libangin kung saan makapagpapahayag siya ng kanyang damdamin at sa bandang huli, siya rin ang makapagreresolba sa kanyang problema. Lucky numbers at color for the day ang 4-18-26-39 at carnation pink.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Masama man ang gising, huwag hayaang masira ang buong araw. Piliting humanap ng paraan upang gumanda ang pakiramdam. Humanap ng paraan upang maging abala. Lucky numbers at color for the day ang 4-17-25-38 at scarlet.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Maganda ang dating ng araw at masigla ang pakiramdam. Bagamat totoong pagod nang husto nitong mga nakaraang araw, ngayon ay makababawi at makikita ang pagbabago sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 1-16-24-33 at purple.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Pangit man ang pasok ng araw ay hindi naman ito mamamalagi. Babawi ka naman sa ibang araw. Bigyang-pansin ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 6-18-27-33 at cream.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Maaaring nasa trabaho o eskuwela pero ang konsentrasyon mo ay wala rito kundi nasa isang taong umuokupa ng espesyal na bahagi ng iyong isip. Iwasan ang mangarap nang gising. Lucky numbers at color for the day ang 12-20-30-41 at sky blue.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Mapagtatanto ang pagkakamaling nagawa sa kaibigan. Hindi pa huli para humingi ng tawad. Gawin ito ngayon bago tuluyang masira ang pagkakaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 7-23-31-40 at gray.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Kailangang magpahinga para makabawi ng lakas. Huwag masyadong pagurin ang sarili sa mga bagay na hindi naman kahalagahan. Gamitin sa wasto ang oras at kakayahan. Lucky numbers at color for the day ang 5-16-25-39 at golden brown.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
-- Makakatanggap ng pabuya sa isang bagay na nagawang mabuti. Iba ang tuwang mararamdaman dahil hindi ito inaasahan. Mabibigla sa mga susunod pang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 4-10-26-33 at tan.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Planuhing maayos ang bagay-bagay bago gumawa ng desisyon. Mahirap nang magsimula nang walang malinaw na basehan. Walang magandang resultang aasahan kapag nagkataon. Lucky numbers at color for the day ang 11-21-37-42 at red orange.

vuukle comment

BABAWI

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

LUCKY

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with