^

Bansa

SC: Bond requirement sa seafarers, labag sa Konstitusyon

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
SC: Bond requirement sa seafarers, labag sa Konstitusyon
The main building of the Philippine Supreme Court in Manila as taken on Dec. 13, 2024.
Philstar.com / Martin Ramos

MANILA, Philippines — Idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional at walang bisa ang probisyong nag-aatas sa mga seafarer na maglagak muna ng bond bago makuha ang mga pinagtatalunang monetary award habang nakabinbin ang apela o judicial review.

Sa desisyon ng SC En Banc, bahagyang pinagbigyan ang petisyong inihain ng mga seafarer, labor groups, at maritime schools laban sa ilang probisyon ng Magna Carta of Filipino Seafarers at mga implementing rules nito.

Ayon sa Mataas na Hukuman, lumalabag sa due process at equal protection ang bond requirement dahil nagpapataw ito ng dagdag na pinansyal na pasanin sa mga seafarer na hindi ipinapataw sa ibang manggagawa.

Idineklara rin ng SC na labag sa Konstitusyon ang paggamit ng AKSYON Fund ng Department of Migrant Workers para sagutin ang bond premium ng mga seafarer dahil ang pampublikong pondo ay dapat gamitin lamang para sa pampublikong layunin.

Binigyang-diin naman ng Korte Suprema na nananatiling epektibo ang Magna Carta of Filipino Seafarers maliban sa mga probisyong tahasang idineklarang unconstitutional.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with