Fighting Maroons sumalo sa liderato
MANILA, Philippines — Lumabas ang bangis ng University of the Philippines sa fourth quarter upang kalusin ang Adamson University, 69-67 sa UAAP Season 89 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa Araneta Coliseum kagabi.
Sinadalan ng Fighting Maroons sina Veejay Pre at Rey Remogat sa bandang dulo ng labanan upang siluhin ang pangalawang sunod na panalo at ipinta ang 4-2 karta.
Dahil sa panalo, sinaluhan ng UP sa tuktok ng liderato ang National University at Far Eastern University habang sumiksik ang Adamson sa No. 4 spot kasama ang defending champion La Salle, Ateneo at University of Sto. Tomas na nanalo sa Morayta based squad, 81-69 sa unang laro.
Tumikada si Remogat ng 14 points, anim na assists kasama ang 3-of-6 sa three-point range habang double-double na 12 markers at 10 rebounds ang inambag ni Pre para sa UP.
Mula sa 45-55 pagkabaon, biglang uminit ang opensa ng Fighting Marrons sa payoff period, nagsanib puwersa sina Pre at Remogat upang maagaw ang lamang, 62-60 may 3:32 minuto pa sa orasan na hindi na nila binitawan.
- Latest



















