^

Metro

Matugas, itinutulak ang National Land Use Act

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itinutulak ni Surigao del Norte 1st District Rep. Francisco “Lalo” Matugas ang pagpasa ng Natio­nal Land Use Act (NLUA), kasabay ng pagkilala sa patuloy na pagtalakay ng Senado sa panukalang ilang dekada nang nakabinbin sa Kongreso.

Si Matugas, chairman ng House Special Committee on Land Use at pangunahing may-akda ng House Bill No. 8466, ay umaasang mapapahusay pa ang panukala sa pamamagitan ng mga suhestiyon ng mga senador.

Inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang HB 8466 noong Mayo 5 at ipinadala sa Senado kinabukasan.

Layunin ng panukala na maglatag ng pambansang polisiya sa paggamit ng lupa at lumikha ng National Land Use Commission para pangasiwaan ang pagpaplano at paggamit nito para sa agrikultura, pabahay, imprastraktura, pagpapaunlad ng ekonomiya, pangangalaga sa kalikasan at disaster preparedness.

Ayon kay Matugas, ipinagpapatuloy lamang ng kasalukuyang Kongreso ang mga naunang hakbang upang maisabatas ang NLUA, kabilang ang mga ginawa noong 19th Congress. Aniya, handa ang Kamara na makipagtulu­ngan sa Senado upang makabuo ng mas matibay at epektibong batas.

NATIONAL LAND USE ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with