2 minahan sa Quezon, sinalakay ng NBI

MANILA, Philippines — Sinalakay ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang minahan sa Barangay Bulo, Buenavista, Quezon, kamakalawa.
Ito ay may kaugnayan sa umano’y paglabag sa batas sa small-scale mining at mga kautusan ng DENR-MGB.
Batay sa search warrant, nakumpiska sa operasyon ang tinatayang 500 sako ng processed at unprocessed gold ore, gayundin ang mga kagamitan at iba pang ebidensiyang ginagamit sa pagmimina at pagproseso ng mineral.
Ayon naman sa 500 minero, biglaan ang operasyon at ilang manggagawa ang umano’y nahuli at dinala sa NBI headquarters sa Lucena City habang iginiit nilang malaking dagok sa kanilang kabuhayan ang pagpapatigil ng operasyon.
Nagsagawa na ng maikling kilos-protesta sa harap ng Municipal Hall ng Buenavista ang mga pamilya at apekatdong minero upang hilingin ang patas na pagpapatupad ng batas at pagkakataong maayos ang kanilang mga dokumento, bago kusang umalis makaraan ang ilang minuto.
- Latest




















