^

Metro

Maynilad lumahok sa UN Global Compact, ESG commitment pinagtibay

Pilipino Star Ngayon
Maynilad lumahok sa UN Global Compact, ESG commitment pinagtibay
Sa ilalim ng UNGC, higit pang iaayon ng Maynilad ang operasyon, business strategies, risk management at mga proseso ng pagpapasya nito sa pandaigdigang prinsipyo sa karapatang pantao, labor standards, pangangalaga sa kalikasan at anti-corruption.
STAR / File

MANILA, Philippines — Pinagtibay ng Maynilad Water Services, Inc. ang commitment nito sa responsableng negosyo at sustainable development matapos sumali sa United Nations Global Compact (UNGC), ang pinakamalaking corporate sustainability initiative sa mundo.

Sa ilalim ng UNGC, higit pang iaayon ng Maynilad ang operasyon, business strategies, risk management at mga proseso ng pagpapasya nito sa pandaigdigang prinsipyo sa karapatang pantao, labor standards, pangangalaga sa kalikasan at anti-corruption.

Ayon kay Maynilad Chief Sustainability Officer Atty. Roel S. Espiritu, magsisilbing pandaigdigang gabay ang UNGC sa pagpapalakas ng environmental, social and governance (ESG) practices ng kumpanya. Kabilang sa mga programa nito ang pagpapalawak ng water at wastewater services, climate resilience, pagbawas ng non-revenue water at NEW WATER program na naglilinis at muling gumagamit ng treated wastewater bilang alternatibong water source.

Bilang UNGC participant, magsusumite ang Maynilad taun-taon ng Communication on Progress upang iulat ang progreso nito sa pagpapatupad ng mga prinsipyo ng UNGC. Makikibahagi rin ang kumpanya sa knowledge-sharing at learning opportunities kasama ang iba pang organisasyong nagsusulong ng sustainability at responsableng pamamahala.

MAYNILAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with