^

Bansa

6 rehiyon pinaghahanda vs pagyanig, tsunami

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
6 rehiyon pinaghahanda vs pagyanig, tsunami
Ang mga rehiyon ay kinabibilangan ng Region I, (Ilocos); Region II, (Cagayan Valley); Region III,(Central Luzon); Region IV-A, (Calabarzon), Region IV-B, Mimaropa at National Capital Region (NCR).
twitter.com / dilgphilippines

MANILA, Philippines — Bagama’t bumaba na ang bilang ng mga naitalang pagyanig sa Manila Trench, pinaghahanda pa rin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) mula sa anim na rehiyon laban sa anumang posibilidad ng pagyanig at tsunami.

Ang mga rehiyon ay kinabibilangan ng Region I, (Ilocos); Region II, (Cagayan Valley); Region III,(Central Luzon); Region IV-A, (Calabarzon), Region IV-B, Mimaropa at National Capital Region (NCR).

Nabatid na ilang araw bago ang Pasko, inulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na nakapagtala sila ng 55 earthquakes off mula sa baybayin ng Ilocos Sur hanggang Manila Trench na pinangangambahang magdulot ng high-magnitude earthquakes. Suba­lit nitong Disyembre 24 at 25 isang pagyanig lamang ang naitala.

Ayon sa DILG, ina­bisuhan na nila ang local chief executives (LCEs) na maglatag ng mga pag­hahanda sa posibleng intensification pa rin ng earthquake sequence sa Manila Trench.

Pinatutukoy na rin ang mga evacuation routes, directional signs, at safe zones para sa at-risk communities, at gayundin ang mga response teams.

Pinatitiyak ding may naka-preposition nang sapat na pagkain, temporary shelters, at debris-clearing equipment.

Maging ang publiko ay inalerto na rin lalo ang mga nakatira sa coastal communities, para agad na matukoy kung may banta ng tsunami.

Pinayuhan din ang LGUs na aktibong makipag-ugnayan sa regional at provincial DRRMCs, Phivolcs, para sa risk assessments, at public awareness campaigns.

DILG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with