^

PSN Palaro

Obiena tutok sa Paris — Tolentino

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Obiena tutok sa Paris � Tolentino
Sina EJ Obiena at Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino.
POC

MANILA, Philippines — Walang duda na desidido si EJ Obiena na makapag-uwi ng medalya sa Paris Olympics.

Ayon kay Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino, nakasentro ang atensiyon ni Obiena sa Pa­ris Games na nakatakdang magsimula sa Hulyo 26.

Nakausap ni Tolentino si Obiena sa isang video call upang kumustahin ang kalagayan nito.

“EJ is doing well and is very focused, him despite missing on a medal in the Diamond League in Paris,” ani Tolentino.

Tiniyak din ni Tolentino na makakapanood ng personal ang kanyang parents na sina Emerson, dating national pole vaulter, at Jeanette sa oras na lumaban ito sa Paris.

Si Emerson ang na­nga­ngalaga sa mga pangunahing pangangailangan ni EJ partikular na sa mga equipment nito sa mga laban.

Matapos ang Diamond League na ginanap sa Paris, nanatili na si Obiena sa France at hindi na bumalik pa sa Italy kung saan ito nakabase.

“After the Diamond League, EJ and his team will remain in France and no longer return to their base in Formia [Italy],” ani Tolentino.

Gaganapin ang men’s pole vault competitions sa Agosto 3 para sa qua­lifying round at sa Agosto 5 para naman sa finals sa pamosong 81,000-seater Stade de France.

Kasama ni Obiena si Ukranian coach Vitaly Petrov sa Normandy Sports Centre na mahigit dalawang oras mula sa Paris — para doon ipagpatuloy ang kanyang pinal na preparasyon para sa Paris Games.

Magpapadala si Tolentino ng mga tauhan sa Normandy para masiguro na naibibigay ang lahat ng pangangailangan ni Obiena sa kanyang pre-Olympics training.  

vuukle comment

EJ OBIENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with