^

PSN Palaro

Sen. Go sa Pinoy athletes sa Paris: Go for Gold!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Solidong suporta ang ibinigay ni Sen. Christopher “Bong” Go para sa 22 Pinoy athletes na sumasabak sa 2024 Olympic Games sa Paris, France.

Humingi rin siya ng pagkakaisa ng sambayanan sa pagharap sa hamon na kinakaharap ng bansa matapos ang pananalasa ng bagyong “Carina” noong nakaraang linggo.

“Isa itong malaking rason upang magkaisa tayo para sa bansa sa kabila ng mga hamon sa katatagan ng ating mga mamamayan nitong nakaraang araw dala ng bagyong Carina at habagat,” ani Go.

“Hangad at dasal natin na sana ay makasungkit na naman tayo muli ng medalya sa Olympics,” dagdag pa ng Senador.

Humiling si Go sa mga Pinoy na ipagdasal ang tagumpay nina EJ Obiena, Lauren Hoffman at John Cabang-Tolentino sa athle­tics, Carlo Paalam, Nesthy Petecio, Eumir Marcial, Hergie Bacyadan at Aira Villegas sa boxing, Carlos Yulo, Emma Malabuyo, Aleah Finnegan at Levi Ruivivar sa gymnastics, B­ianca Pagdanganan at Dottie Ardina sa golf, Samantha Catantan sa fencing, Kiyomi Watanabe sa judo at Jarod Hatch at Kayla Noelle Sanchez sa swimming.

Kumpiyansa rin si Go na mananalo ng medalya sina rower Joanie Delgaco at weightlifters Elreen Ando, Vanessa Sarno at John Ceniza.

Itinutulak ni Go ang pagtaas ng budget para sa mga sports programs ng Philippine Sports Commission (PSC) bilang vice chairman ng Senate Finance Committee.

Nauna nang nagbigay si Go ng tig-P500,000 bilang tulong pinansyal sa 22 Olympians para sa kanilang paghahanda sa Paris Games.

vuukle comment

BONG GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with