^

Punto Mo

EDITORYAL - Bawiin sa mga ­senador ang plate number ‘7’

Pang-masa
EDITORYAL - Bawiin sa mga ­senador ang plate number â7â

SUMUKO na noong Miyerkules sa Land Transportation Office (LTO) ang drayber ng white Cadillac Escalade na may protocol plate number “7” na tangkang sagasaan ang babaing traffic enforcers matapos sitahin nang pumasok sa EDSA Busway sa Guadalupe, Makati City noong Linggo ng gabi.

Nakilala ang drayber na si Angelito Edpan. Ang SUV na minamaneho niya ay nakarehistro sa Orient Pacific Corporation na pag-aari naman ng pinsan ni Sen. Sherwin Gatchalian. Kinumpiska ang driver’s license ni Edpan at pinagmulta ng P1,000 dahil sa pagpasok sa busway at P2,000 na multa dahil sa reckless driving.

Hindi naman pinatawan ng penalties ang may-ari ng SUV. Ayon sa LTO, drayber lamang ang kakasuhan at pagmumultahin. Iginiit din ng LTO na peke ang plakang “7” nakakabit sa SUV. Wala raw iniisyung plakang “7” sa Cadillac.

Kung hindi sa matapang at alertong traffic enforcer na si Sarah Barnachea, hindi magiging kontrobersiya ang SUV. Ayon kay Barnachea, pumasok sa busway sa EDSA ang Cadillac kaya hinarang niya pero tinangka siyang sagasaan. Ganunman, hindi siya natakot at pilit na hinihingi ang license ng drayber pero sa halip ibigay, nag-“dirty finger” ito sa kanya. Humarurot ito paalis.

Wala namang umamin sa 23 senador kung sino ang may-ari ng Cadillac. Nanawagan si Senate President Francis Escudero sa LTO na alamin kung sino ang may-ari ng SUV. Kung miyembro aniya ng Senado ang may-ari ng sasak­yan, lumantad at utusan ang driver ng SUV at iba pang sakay na harapin ang ginawa.

Ang mga exempted at maaaring gumamit ng EDSA Busway ay ang convoys ng Presidente, Bise Presidente, Speaker of the House, Senate President, at Chief Justice ng Korte Suprema. Ang protocol plate number “7” ay iniisyu sa mga senador samantalang ang number “8” ay para sa mga miyembro ng House of Representatives.

Noong Abril 11, 2024, isang itim na SUV na may plakang “7” ang mabilis na dumaan sa bus lane. Hinarang to ng MMDA traffic enforcers. Pero sa halip na tumigil, pinaharurot pa ang SUV palayo. Hindi nalaman kung sinong senador ang sakay ng SUV. Lumipas ang tatlong araw bago lumabas ang tunay na may-ari ng sasakyan—si Sen. Francis Escudero. Agad humingi ng paumanhin si Escudero at sinabing ang driver ng SUV ay kanyang family member. Pinagreport niya sa Metro Manila Development Authority (MMDA) ang driver at nagpaliwanag.

Kasuhan din sana ng LTO ang may-ari ng Cadillac dahil sa pagdaan sa busway. Laging driver ang pinagmumulta gayung sumunod lang naman siya sa utos ng may-ari. Isang magandang paraan para wala nang number “7” na dadaan sa busway, bawiin na ang protocol plate. Inaabuso lang ang paggamit nito. Pati kamag-anak ng senador ay nakikigamit. Alisin ang plakang “7”.

LTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with