^

PSN Showbiz

Dennis, biglang hindi na hacked ang account!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Dennis, biglang hindi na hacked ang account!
Dennis Trillo.
STAR/ File

May comeback nga ang Kapuso actor na si Dennis Trillo sa TikTok pagkatapos ang intrigang na-hack ito.

Muling nag-post ang mister ni Jennylyn Mercado ng nakakaaliw na video kung saan pinatong nito ang kanyang ulo sa isang animated body na tila lumilipad siya nang mabilis.

Dagdag pa sa kanyang pagpapatawa ay ang pag-lipsync niya sa kantang Return to Innocence kasabay ng exaggerated na facial expression nya.

Pero ang plot twist ay nagpanggap siyang nahulog sa dulo ng video na umani ng libu-libong views.

Aliw rin ang sinabi ng netizen na naghihintay sila ng reaction mula sa misis nitong si Jennylyn sa kakulitan ng mister.

Maaalala ngang nagkaroon ng intriga matapos magkomento ang Pulang Araw actor na “May ABS pa ba?” kung saan nilinaw ng kampo nito na na-hack lamang daw ito pero hindi lahat ay naniwala.

Pero ngayon kaya sasabihin nilang na-hack ito?

‘Live your life wisely’

Ngayon ko higit napatunayan na ‘yung friendship hindi ka­ilangan lagi kayong magka­sama o magkausap.

‘Yung emotional attachment ninyo sa isa’t isa ang mas importante. Basta nandun ang respect ninyo sa isa’t isa you will remain friends kahit hindi kayo nagkikita.

Ang importante ‘yung bigat ng naging feelings ninyo noong nagkakilala kayo.

Totoo rin siguro ‘yung first impression lasts kasi sabi nga malakas ang dating noon sa iyo. Meron  kasing tao sa umpisa pa lang gusto mo na, magaan na ang loob mo. Meron naman iba na antipatika na agad sa iyo. Iba-iba. Ang mahalaga, give importance to people who gives importance to you. Bakit mo isisiksik sarili mo sa mga hindi ka gusto.

Follow your heart, gawin mo lang ang gusto ng puso mo. Life is short, kaya live your life wisely. Choose your happiness. Bongga.

vuukle comment

DENNIS TRILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with