^

True Confessions

Suklam (100)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Napansin ni Brent na kapag may kausap sa cell phone ang kanyang tatay ay lumalabas ito ng bahay para walang maka­rinig sa pakikipag-usap. Ilang araw na niya itong napapansin. Kahit sinabi ng kanyang tatay na dating kasamahan sa trabaho ang kausap, hindi siya naniniwala. Bakit kailangan pang lumabas ng bahay habang nakikipag-usap kung dating kasamahan ang tumawag.
Pero ayaw na ni Brent magtanong sa kanyang tatay. Baka ikasama pa nito ng loob. Ayaw niyang sasama ang loob ng kanyang tatay. Matanda na ito at dapat unawain at pagpasensiyahan. Isa pa, mabait ang kanyang tatay. Para sa kanya, walang makakatulad ang kanyang tatay—nag-iisa ito sa mundo!

Sumunod na Sabado, may kausap muli sa cell phone ang tatay niya. Luma­bas muli ito ng bahay para makipag-usap.

Nakiramdam si Brent. Lihim niyang inuulinig ang pakikipag-usap ng kanyang tatay, Mukhang mahalaga ang sinasabi ng kausap ng kanyang tatay. Pawang “oo” ang naririnig niya sa kanyang tatay.

Nang matapos ang pa­kikipag-usap, pumanhik na ang kanyang ama. Pinalipas muna ang ilang minuto bago lumapit kay Brent. Bantulot ito.

Hindi inaasahan ni Brent ang pinagtapat ng ama.

“Kaibigan ng nanay mo ang kausap ko. Ibinabalita na may taning na ang buhay—stage 4 cervical cancer. Hinihiling na dalawin ko siya bago mamatay.’’
Tahimik lang si Brent.

Maaring ang tumawag na kaibigan ang laging tu­ma­tawag sa kanyang tatay. Hindi naman nito masabi sa kanya sapagkat nahihiya.

(Itutuloy)

vuukle comment

BRENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with