^

PM Sports

Eala binigyan ng award ng Milo at DepEd

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dalawang bagong parangal ang natanggap ni Alex Eala kahapon sa kanyang engrandeng homecoming na inorganisa ng Department of Education at Milo Philippines sa Pasig Central Elementary School.

Ginawaran ng Milo Philippines ng Gawad Sulo ng Simula at Tagumpay si Eala habang kinilala ng DepEd bilang bagong National Youth Sports Ambassador si Eala dahil sa kanyang kontribusyon hindi lang sa tennis kundi sa buong Philippine sports.

“It’s a full circle for me. I really admire what Milo has done for generations. They have built these platforms and pathways for kids to take the first couple of steps, find their way, find out who they are, and find the love and passion for sports,” ani Eala na sa Milo naisukbit ang kanyang unang tropeo sa tennis noong 6-anyos siya kasama ang kapatid na si Miko sa doubles event.

Umuwi si Eala sa bansa bilang pinakabagong world No. 15 sa Women’s Tennis Association (WTA) matapos manalo ng kanyang unang WTA Tour title sa Washington sahog pa ang makasaysayang kampanya sa US Open at Wimbledon.

Subalit ngayon ay may mas malaki na siyang res­ponsibilidad na magpatuloy na maging ehemplo sa kabataan at hubugin ang mga susunod na kampeon ng bansa.

Sa parehong event ay inanunsyo ng Milo ang pakikipag-ugnayan sa DepEd para sa pagbibigay ng scholarship sa Milo Sporst tennis clinics nito.

Dito rin inilunsad ni Eala ang kanyang Milo tennis pack na maaari nang mabili sa lahat ng tindahan sa buong bansa katulad ng kila Hidilyn Diaz ng weightlifting at EJ Obiena ng pole vault na kasama rin sa homecoming ni Eala.

Si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang nanguna sa homecoming ni Eala kasama si DepEd Sec. Sonny Anga­ra na nakipaglaro pa sa 21-anyos na Filipina tennis pride tampok din ang mga kabataang atleta ng Pasig, kung saan siya natutong maglaro ng tennis.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with