Suspek sa pagpatay sa ex-beauty queen, tiklo
MANILA, Philippines – Bumagsak na sa kamay ng pulisya matapos ang siyam na buwang pagtatago ng suspek sa pagpatay sa dating Miss Philippines Earth 3rd runner up Lullete Jane Ramilo-Dela Cruz sa Cainta, Rizal nitong Lunes, Nobyembre 23.
Kinilala ang suspek na si Arjay Carera Torres, 30-anyos, na residente ng Cabagan, Isabela ay naaresto sa Felix Avenue, Barangay San Isidro, alas-11:10 ng umaga.
Sinabi ni Isabela Police Director, P/Colonel Manuel Bringas na nagtago muna ang suspek San Vicente, Apalit, Pampanga, at lumipat sa Cainta kung saan siya pinagsilbihan ng warrant of arrest sa kasong murder na inisyu ni Judge Leif John Robino ng Isabela RTC at walang inirekomendang piyansa.
Magugunita na pinagbabaril ang dating beauty queen sa harap ng kanyang tahanan sa Barangay Cabaritan, San Manuel, Isabela noong Pebrero 14, 2026 sa labas ng gate ng kanilang bahay.
Ayon naman sa asawa na si Clifford Dela Cruz, may dalawa pa umano na gunmen ang at-large, at ang naaresto ay isang look-out at nais niyang madakip ang iba pang nasa likod ng krimen.
Nasa kustodiya ng San Manuel Police Station ang naarestong suspek para sa masusing imbestigasyon.
- Latest



















