Alex Eala may natutunan kay Nadal
MANILA, Philippines – Malayo-layo na rin ang narating ni Pinay netter Alex Eala sa mundo ng tennis.
Sa pagtatapos ng 2026 season, naabot nito ang career-high No. 15 sa WTA rankings.
Ngunit sa bawat hakbang nito, isang aral mula kay Grand Slam champion Rafael Nadal ang dala-dala nito na nagsisilbing gabay sa kanyang tennis career.
Ibinahagi ni Eala ang isang importantang mensahe na nakuha nito mula kay Nadal.
“Dun ko unang nakuha sa kanya yung surround yourself with good people nung batang-bata pa ako,” ani Eala sa kanyang panayam sa Kapuso Mo Jessica Soho.
Ayon kay Eala, ito ang pangunahing aral na natutunan nito kay Nadal na siyang humubog sa kanyang kakayahan bilang isang tennis player.
Nag-aral si Eala sa Rafa Nadal Academy bilang scholar.
At walang duda na ang akademiya ang naging tulay nito para maabot ang kasalukuyang kinalalagyan nito.
Isa si Nadal sa mga hinahangaan nito sa mundo ng tennis dahil sa kakaibang mentalidad nito.
“I strive and I think everyone should strive to have that mentality of Rafa. Kaya siya nakarating dun sa 22 Grand Slams and so on and so forth,” ani Eala.
Parehong kaliwete sina Eala at Nadal.
Ngunit iginiit ni Eala na magkaiba ang kanilang estilo sa paglalaro.
Nasa Maynila ngayon si Eala para sa ilang serye ng events na lalahukan nito.
Isa na rito ang exhibition match nito laban kay Janice Tjen ng Indonesia sa Disyembre 8 sa Philippine Arena sa Bulacan.
- Latest
















