‘Ghost students’, tutuldukan ng bagong voucher law
MANILA, Philippines — Matutuldukan na ang mga tiwaling opisyal ng mga “ghost students” sa New Voucher Program Law ng pamahalaan na mapakinabangan ng mga lehitimong iskolar ng bayan.
Ito ang binigyang diin ni Manila 2nd District Rep. Rolando Valeriano, Chairperson ng Committee on Public Order and Safety matapos pagtibayin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nilagdaan nitong Republic Act No.12327 o ang Basic Education Voucher Assistance Act.
Ayon kay Valeriano sa pamamagitan ng nasabing batas ay higit na mas marami pang mga Pilipinong batang mag-aaral ang makakapasok sa mga pribadong eskuwelahan sa pamamagitan ng ayuda ng pamahalaan at mababawasan din ang sobrang siksikan sa mga klasrum sa mga pampublikong paaralan sa bansa.
Sa ilalim ng bagong batas ay inoobliga ang Department of Education (DepEd) na magtatag ng sentralisadong sistema para maiberipika ang eligibility ng mga estudyanteng iskolar at magsagawa ng regular na audit, pag-iinspeksiyon at protektahan ang mga whistleblowers na magre-report ng irregularidad.
Hinikayat din ng solon ang DepEd na istriktong iimplementa ang mga pananggalang, regular na cross-check enrollment, rekord ng attendance at imbestigahan ang mga kahina-hinalang mga claims upang matiyak na mga lehitimong estudyante ang makikinabang sa programa.
- Latest



















